Oo na! Oo na! Kasalanan ko 'to! Napapagalitan na rin ako nina Althea at Zenrie dahil sa pagiging madaldal ko.
Pero sa totoo lang, si Zenrie talaga ang nakakatakot na magalit sa kanilang dalawa ni Althea. Kagaya na lang noong Martes ng gabi na kung saan kaharap niya ang isang Dryad na talagang masasabi mong huwag na huwag mo talaga siyang susubukang inisin.
Habang pinagmasdan ko kasi siya sa pakikipaglaban, nakikita ko sa kanyang mga mata na talagang napakatulin at naglalagablab at gigil na gigil na siyang hatiin ka sa piraso o mawalan ng ulo. Every time she swings her sword, I can see the badass side of her behind the meek and jolly personality even becoming a bitter one.
Siguro rin dahil sa ginaya ko ang ginawa niya noong Martes ay kinarma na ako dahil sinabi ko kina Alwyn at Dezmond ang tungkol sa pagiging beta tester ko. Nabangga ako sa flagpole at sa lahat ng parte ng katawan ay ang mukha pa talaga ang unang nasapul! Sayang ang kaka-skin care ko nito.
Huminga ako ng malalim upang maibsan ang pagkainis ko mula sa pangungulit ni Alwyn. "Alam ko Althea. Kaya nga pinagsisisihan ko kung bakit pa ako nag-anunsyo sa dalawang 'to na isa akong beta tester," malumanay kong saad.
"Naku! Kung si Zenrie pa lang 'yon gagamitin niya talaga sa inyo ang sword skill niya. Alam mo namang sinabihan tayo ni Prof. Leizuko noong beta test na huwag ipagsasabi sa iba na mga beta testers tayo at baka magkakagulo pa. Even you still don't know what Zenrie looks like when she gets mad," sabi naman ni Althea na parang nanay kung makapagsalita. Lagi na lang talaga niya sinasabi ang mga salitang ito na hindi ko rin minsang isinasaulo.
Pero maiba tayo ng usapan, unang beses kong nakita si Zenrie na mas seryoso pa sa tuwing mapupunta siya sa isang mapanganib na sitwasyon. Ibang-iba siya sa tuwing hawak niya ang kanyang espada at nag-aapoy pa ang kanyang mga mata gaya ng mga napansin ko at paulit-ulit na nagpapaalala sa isipan ko. Nakapagtatakang isipin pero natalo niya ang nilalang na 'yon gamit lang ang mga basic sword skill. Kahit ako ay kailangan pang gamitin ang isa sa mga espesyal kong sword skill upang matalo ang Diya na 'yon. Pero siya, talagang masasabi mong kakaiba siya sa mga nakilala kong makipaglaban.
"Sinabi mo pa Althea," matipid kong saad sa kanya.
Ibinalik ko ulit ang aking atensyon sa libro at napahimas ng baba. May sumulpot na naman kasing isang palaisipan sa utak ko na talagang magkakonekta sa iniisip ni Zenrie ngayon tungkol sa mga kakaibang nangyayari sa virtual world.
Ayon sa kanya nitong Martes habang nag-uusap sila ni Diya, nabanggit niya ang salitang laro na nagbibigay din sa akin ng palaisipan at dagdag na teorya. Nagsimula na rin akong magduda dahil sa mga kaganapang iyon at sinubukan ko pang iugnay ito sa laro, ngunit hanggang ngayon ay malabo pa ring mangyari 'yon at mananatiling isang teorya.
Alam na ni Prof. Leizuko ang tungkol sa bagay na ito. Paano naman ang iba pang limang estudyante na kabilang sa beta testing na mula sa magkaibang paaralan? Siguro naman ay may napapansin na rin silang kakaiba sa mundong kinagagalawan namin ngayon kahit alternatibo.
Binuksan ko ang aking student's window at dumiretso sa messages upang gumawa ng mensaheng ipapadala ko kay Zenrie. Kailangan ko na rin ang tulong niya upang maisagawa namin nang tuluyan ang imbestigasyon tungkol sa mga misteryo ng mundong ito.
[Zenrie, puwede ba tayong magkita mamaya sa library mamayang alas dos ng hapon? ~Zoiren]
Matapos kong magtype ay agad kong pinindot ang kulay asul na icon na may simbolo ng arrow upang mapadala na ito sa kanya. Alam ko kasi sa mga oras na ito ay abala siya sa asignaturang P.E. na kung saan isasagawa ang meditation exercise. She's really studious and keen to listen during discussions and even a serious one when it comes to investigating a particular mysteries and whereabouts in this virtual world. Kahit ako rin ay nahawa na sa gawaing ito dala ng salitang curiousity.
VOUS LISEZ
Class Code: ERROR
Science-FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 10: Upcoming Terror
Depuis le début
