Tumango ng dalawang beses si Mimi at ngumiti sa akin na may angking positibo sa paniniwala, ngunit may pag-aalala namang nakatatak sa kanyang mga mata. Nag-aalala rin siya sa parehong dahilan, pero ang ikinakatakot ko lang ay baka pati siya ay madamay kung sakaling may kaguluhang mangyayari kung sakali. Sa ngayon hindi pa niya napapansin ang mga nangyayaring kababalaghan sa virtual world maliban sa kaso nina Kenny at Georgia. Tanging kami nina Zoiren pa lang ang nakakapansin sa mga pangyayaring ito. Paano naman ang kalahati sa aming mga beta tester?
"Hindi bale Riri. Tutulong din ako sa paghahanap at paglutas ng misteryo tungkol sa asul na paruparo at kung ano pa sa virtual world. Poprotektahan din kita gaya noong sinasaktan ka ng pugitang 'yon dati at kahit kailan ay hindi kita iiwang mag-isa sa labang ito. Best friends tayo 'di ba?" nakangiting sabi ni Mimi at hinimas ang aking kaliwang balikat.
Habang nakatingin ako sa kanyang mga mata, hindi ko rin maiwasang mag-alala sa kalagayan niya kung sakaling mapunta siya sa isang mapanganib na sitwasyon. Katulad na lang dati na pati rin siya ay pinagbabantaan nina madra at Arman na sasaktan siya kung sakaling magsusumbong siya sa pulis dahil sa mga pang-aabuso nila sa akin. Ngunit kahit ganoon man ang nangyari, pinili pa rin niyang tuparin ang kanyang pangakong poprotektahan namin ang isa't isa.
"Salamat Mimi," sabi ko sa kanya kasabay ng pagguhit ng mga abot langit na mga ngiti.
Niyakap niya ako nang mahigpit upang maibsan ang bigat na nararamdaman ko. Bumalot na parang kumot ang init ng kanyang mga yakap at ito pa ang hudyat ng biglang pagbagsak ng aking malakrystal na butil ng luha mula sa bintana ng aking kaluluwa. Napayakap din ako nang mahigpit sa kanya at hindi ko na maiwasan pang ilabas nang tuluyan ang aking mga luha at napahikbi.
Kahit din pala mga luha sa virtual world ay talagang totoo kahit na ang nararamdaman mo. I can cry here and burst out my dead heart's melancholy.
===Zoiren===
"Zoi, sige na naman oh! Turuan mo na kami ng mga cheat codes sa virtual world! Palibhasa isa ka sa mga beta tester ng proyektong ito," pangungulit sa akin ni Alwyn habang nagbabasa ako ng libro para sa susunod na make up class. Halos umaalingawngaw na sa aking mga tainga ang kanyang mga hinaing na gusto ko na talagang patahimikin. Hinila-hila pa niya ang aking kaliwang braso na parang batang nangungulit sa nanay upang bilhan ng laruan.
Limang araw na rin kaming nagsisimula ng klase rito sa virtual world at naghahanda na para sa susunod na linggo dahil sasapit na ang pagsusulit namin sa Midterms, habang ang isang 'to naman ay cheat codes pa rin ang laman ng utak gaya ni Dezmund.
Mukhang nagsisisi na ako kung bakit ko sinabi sa kanila ang tungkol sa pagiging beta tester ko sa Project: Virtualrealmnet.
Sa totoo lang kanina ko pa talaga gustong kunin ang espada ko para tumahimik ang isang 'to. Hindi kasi ako maka-focus nang maayos sa binabasa ko.
"Sinabi ko nang walang cheat codes na binigay sa beta test. Anong akala niyo sa Virtualrealmnet isang VRMMORPG material? Hindi ito laro kung iisipin niyo." Hinampas ko agad si Alwyn ng librong hawak ko sa kanyang ulo at napailing ito. Napahimas naman siya dahil sa malakas na pagkakahampas ko at talagang kanina pa ako nagtitimpi sa ingay niya.
"Aray! Ano ba?!" Iling naman ni Alwyn at diretsong nakatingin sa akin.
Tinapik agad ni Althea ang aking kanang balikat sa likod kaya ako napalingon sa likod. Napansin ko agad ang kanyang mga tingin na parang gusto ka niyang asintahin sa ulo dahil sa mga pinaggagagawa mo.
"At 'yan ang sinasabi ko sayo Zoiren Pleños Alima!" Althea exclaimed. "Ang daladal mo kasi kaya pati rin si Zenrie pinagalitan ka na," sermon naman niya na parang pinapagalitan ang anak dahil nagnakaw ng bente sa tindahan.
BINABASA MO ANG
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 10: Upcoming Terror
Magsimula sa umpisa
