"Siguro napanaginipan mo na naman si Tita Haruka kaya ganyan kalalim ang iniisip mo ngayon," panghuhula naman ni Mimi.
Napayuko ako ng ulo nang marinig ko ang pangalan ni mama at muling nawala ang aking ngiti. Dati kasi lagi kong ikinukuwento kay Mimi ang tungkol kay mama at sa iba ko pang mga problema. Kasama na rin ang mga kakaibang panaginip ko na talaga namang minsan ay nakakaintriga sa isipan.
"Tama ka Mimi," mahinang tugon ko na may kirot sa aking puso. "Napanaginipan ko na naman si mama ulit kagabi gaya ng inaasahan."
"Talaga?" Biglang nanlaki ang kanyang mga mata at hinawakan ako sa magkabilang braso. "Ano naman ang napanaginipan mo habang kasama siya? Siguro nag-bonding kayo at nagkuwentuhan."
Sa totoo lang, ayon sa psychology, kapag lagi kang nangungulila sa isang tao (patay man o buhay) at lagi mo siyang naiisip, magpapakita sila sa iyong panaginip sa pamamagitan ng alaala at kapangyarihan ng isipan. Minsan talaga may itinatagong kahulugan din ang mga ito gaya na lang ng mga babala o mensahe sa mga nangyari sa nakaraan at mga mangyayari pa sa kinabukasan. Kung tutuosin may nagyayari pang déjà vu sa realidad. Minsan naman mapaglaro lang talaga ang isipan ng isang tao.
"Parang ganoon na rin Mimi, pero sa puntong 'yon ay may inihabilin siya sa akin na babala at misyon. Ewan ko kung bakit niya rin sa'kin pinapaalalahanan ang paghahanap sa asul na paruparo, eh sunod nang sunod 'yon sa'kin sa virtual world. Dinaig pa nga ang pagiging stalker niya sa totoo lang," paliwanag ko naman sa kanya, kasabay ng pagtingin sa buong school ground ng SAU.
"Asul na paruparo?!" Mimi exclaimed, slapping her right hand to the forehead. "May sumusunod na naman sayong asul na paruparo?"
Napakamot ng ulo si Mimi habang iniisip ang mga sinabi ko gaya na lang ng asul na paruparo. Bakas sa kanyang mukha ang naweweirduhan sa mga nangyayari matapos kong ikuwento ang tungkol dito.
"Ganoon na nga Mimi." Tumango ako sa kanya ng isang beses at tumingin sa kanya. "Hindi ko nga maisip kung bakit nasabi pa 'yon ni mama sa panaginip ko. Alam mo naman minsan mapaglaro rin ang isipan ng tao lalo na kung natutulog. The brain activity of a particular human while sleeping is still working that can create a dream, but sometimes there are dreams that can't be explained by science and psychology. Supernatural things can do it," paliwanag ko sa kanya.
Hindi ko pa rin maisip kung bakit ako binigyan ng babala ni mama tungkol sa virtual world hanggang ngayon. Marahil may gusto siyang sabihin sa akin sa mga susunod na mangyayari. Paano naman kaya ang tungkol kay Blaurei? Jusko! Nakakalito na ang mga bagay na ito. Please tell me it's just a playful mind's product.
Kumuha agad ng panyo si Mimi sa kanyang bulsa at tinakpan agad ang kanyang ilong. "Grabe ka Riri dumudugo ang ilong ko sa mga sinabi mo," pang-aasar naman nito.
"Sira!" bulalas ko, kasabay ng paghampas ko sa kanya nang mahina sa kanang braso at napailing ito. Kinalauna'y nagtawanan kami upang maibsan na rin ang kabigatan ng loob ko dahil sa mga nangyayari. Nakakapanibago lang din kasi si mama sa panaginip ko dahil tinawag niya ako sa aking palayaw sa laro na Black Navillerian Angelus.
"Pero seryoso Zenrie, siguro nakatuon ang pag-iisip mo sa mga imbestigasyon niyo tungkol sa mga nangyayari sa virtual world. Kaya 'yon na rin ang dahilan kaya sa pamamagitan ng alaala mo ay binigyan ka ng paalala sa mga mangyayari sa katauhan ng mama mo," sabi naman ni Mimi na napahimas ng baba.
"Ganoon na rin siguro," tugon ko. Tiniklop ko ang hawak kong kwaderno at ipinasok sa bag kasama ng aking panulat. "Ang pagtutuonan ko ng pansin sa ngayon ay ang tungkol sa paruparo at sa mga magaganap sa mundong ito. Hindi ko rin dapat i-pressure ang sarili ko sa mga nangyayari lalo na't Midterms na sa susunod na linggo."
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 10: Upcoming Terror
Start from the beginning
