Chapter 10: Upcoming Terror

Start from the beginning
                                        

Pero ang kuwentong tungkol sa Avillerius at ang pagiging Black Navillerian Angelus? Ibang usapan na yata 'yan. Sana man lang walang kinalaman ito sa mga teoryang nakapuna sa isipan ko ngayon na talaga namang nakakapagbigay ng matinding sakit sa ulo.

Nagkataon lang naman siguro ang mga sinabi sa akin ni mama sa panaginip at sa mga misteryong nababalot sa virtual world 'di ba? Mapanlinlang din minsan ang mundo ng panaginip pero may iba namang binibigyan ka ng mahalagang mensahe o babala sa mga susunod na mangyayari.

I hope this situation will never put to a great threat to all users of Virtualrealmnet.

===========



March 20, 2020, 08:00 AM

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

March 20, 2020, 08:00 AM

Tatlong araw na rin ang lumipas nang masagip namin sila Kenny at Georgia sa gubat. Naging usap-usapan pa rin ngayon sa campus ang tungkol dito at may pagkakataon pang nag-interview ang aming university journalist sa kanila. Tinanong din ng dyurno kung paano sila nakatakas at ang tanging sagot naman ng dalawa ay may tumulong sa kanila, pero hindi nila sinabing kami ang gumawa. Inabisuhan na rin kasi namin sila na mananatiling sikreto ang aming mga pangalan at pagkatao upang maiwasan ang gulo lalo na't hindi nila alam na mga beta tester kami.

Mas mabuti nang ganoon dahil kailangan namin maging maingat.

Pero ewan ko lang kung ano ang pumasok sa utak ni Zoiren at pinagsabi pa niya sa kanyang dalawang kaklase na isa siya sa mga beta tester. Hindi ko rin siya kinausap tungkol doon dahil itinuon namin ang aming atensyon sa mga misteryo at mga armas. Humanda pa rin siya sa akin kapag buong klase na nila ang nakakaalam at ipagkalat pa lalo na't magkaklase rin sila ni Althea.

Mag-isa akong nakaupo sa open bench ng Arts and Sciences Department habang abala naman ako sa pagsusulat ng aking nobela. Sa bawat titik ng aking mga isinusulat ay hindi pa rin matanggal sa aking isipan ang kakaibang panaginip na iyon. Noong una ay napanaginipan ko ang biglaang paglabas ng force field sa virtual world at pagpula ng kalangitan, ngayon naman ay si mama na nagbigay pa ng iilang paalala tungkol pa rin sa alternatibong mundo.

How come my mom knows about the virtual world? May alam kaya siya tungkol sa bagay na ito?

Or maybe it's a product of my mind's playful imagination that's why a warning was given through my mom's persona.

"Riri? Kanina ka pa ba r'yan?"

Isang boses ang aking narinig sa likuran na talagang kilalang-kilala ko. Lumingon ako sa naturang direksyon at nasilayan ko ang kanyang mga ngiti ngunit may bakas ng pag-aalala sa kanyang mga mata.

"Oo Mimi," mahinang tugon ko. "May bumabagabag na naman kasi sa isipan ko kaya tumambay na muna ako rito at magpahangin."

Tumabi agad si Mimi sa aking kinauupuan at tumingin ulit sa akin. Napasingkit ng konti ang kanyang mga mata.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now