Hindi naman siguro ito mula sa ikinukuwento ni mama sa akin pero kailangan kong malaman ang biglaang pagsulpot niya sa virtual world.
Pero ano ba ang meron kay Blaurei kaya pati siya ay nagkainteres na ring mahanap ito?
Marahil ay may iba pang mga bagay na hindi pa talaga niya puwedeng ilahad hangga't hindi pa ako handa. At sa linyahang sinabi niya, pakiramdam ko si Black Navillerian Angelus ang kanyang hinahanap... na kabahagi ng aking pagkatao at mula sa ikinukuwento ni mama sa akin dati.
Kahit hindi niya alam kung sino si Black Navillerian Angelus sa tunay na mundo, nananatili pa rin itong palaisipan sa mga hindi pa nakakaalam sa tunay niyang pagkatao.
Nagkasalubong ang mga tingin namin ni Zoiren at naging mausisa nang magsimula na siyang magtanong sa akin tungkol sa pinagsasabi ng Diya.
"Sa mga sinasabi niya, hindi kaya 'yong top rank player sa laro ang itinutukoy niya? Si Black Navillerian Angelus?" nag-uusisang tanong ni Zoiren.
"Siguro," diretsong sagot ko. "Pero sa sitwasyong ito ngayon, paano naman niya malalaman kung sino si Black Navillerian Angelus sa alternatibong mundo na ito? Eh 'di nga niya alam o kahit ang iba pang user kung sino siya at kung saan siya nag-aaral."
Nice alibi huh?
Mas mabuti nang ganito na walang nakakaalam ang iba dahil ayokong pati sila ay mapupunta sa kapahamakan ang mga buhay nila lalo na't hindi pa alam ni Zoiren at ng dalawang naghaharutang dito na kasama lang pala nila ang tinutukoy ni Diya. Kailangang ingatan ko rin ang aking alter-ego upang hindi ako agad mabuking sa mga oras na ito.
There are some superheroes whether in anime or in other stories that are keen and very careful to hide their secret identity; making anyone difficult to guess on who could he/she behind the mask. May iba namang sinabi ito sa mga taong pinagkakatiwalaan niya at sumumpang hindi ito ipagkakalat. Ngunit sa bagay na iyon ay sila pa mismo ang madaling gawing pain upang madaling mapaamin ang isang tao kung sino siya at saan nagmula ang kanyang kapangyarihan o abilidad. Mas malala naman kapag ipinagkanulo ka at sinabi sa kalaban kung sino ba talaga ang taong ito sa likod ng maskara na mismong dahilan ko rin kaya pinag-iingat ko ang aking sarili at sila Ranzou na huwag ipagsasabi sa iba.
Dahil din sa pagkakamali ko noon na ipinagkatiwala ko ito sa isa sa mga kasamahan ko dati sa laro, mabilis akong umalis at hindi ko na magawang ipagkatiwala ang sikretong ito sa kahit na sinuman. Napakahirap nang magtiwala sa iba sa panahong ito lalong-lalo na't isa sa mga talento ng tao ay ang magsuot ng maskara na lihim ka palang ipagkakanulo.
Lumapit sa akin si Althea at saka inilapit ang kanyang bibig sa aking tainga. "Zenrie, sa tingin mo ba 'yong alter-ego mo bilang si Black Navillerian Angelus ang tinutukoy niya?" pabulong na tanong ni Althea.
"Hindi rin ako sigurado. Kung sa kuwento man niya ito nakuha tungkol sa asul na paruparo at mandirigma, malamang nababahala na ako. Hanggang dito pa nama'y hinahabol din ako," mahinang tugon ko sa kanya. Bakas pa rin sa aking mukha ang matinding pag-aalala sa seguridad ng aking mga kasamahan dito ngayon kahit may dala pa silang armas na bigay ni Prof. Leizuko.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 9: The Stranger
Start from the beginning
