Chapter 9: The Stranger

Start from the beginning
                                        


Dahil sa ginawa ko'y umagaw sa kanya ito ng atensyon at mas napangisi pa lalo. Ewan ko lang kung ano ang iniisip ng mokong na ito.nang makita ang pagmumukha ko.


"Aba, aba, aba! Hindi ko akalaing may isa palang pakialamera ang humadlang sa aking atake. Nakakahangang kilos naman ang ginawa mo," nakangising saad nito at agad ibinaba ang kanyang kamay. "Maligayang pagdating sa aking teritoryo. Hindi ko na rin pala kailangang mangdukot ng mga tao upang maging bihag ngayon dahil kayo na mismo ang lumalapit sa akin."


"Bago ka pa magtalumpati r'yan, sabihin mo muna sa amin kung sino ka. Paano ka napadpad sa mundong ito at nagawa pang mangdukot ng mga estudyante?" mariing tanong ko. Nakaramdam ako ng konting pangangatog sa aking tuhod habang napakuyom ako ng aking kaliwang kamao. Kanina ko pa sinasabi sa sarili kong hindi naging maganda ang kutob ko sa estrangherong ito.


Hinawakan niya ang kanyang cloak at biglang na lang hinagis sa ere. Tumambad sa aming mga mata ang kanyang kulay berdeng bestida na tila may punit sa gilid at sa balikat na bahagi nito. Kasingkulay naman ng isang binya ang kanyang balat at ang buhok nito ay magkasingkulay naman ng araw. May peklat din ito sa kabilang pisngi na talaga namang nakakaintrigang pagmasdan pati na ang buong mukha nitong nagdadala ng banta sa virtual world.


"Ako si Diya, isang Dryad na mula sa kaharian ng Shadow Filora. Nandito ako hindi lang sa pagdukot kagaya sa dalawang kasamahan niyong mga haliparot upang maging alipin, kundi sakupin ang mundong kinatatayuan niyo ngayon," nakangising saad nito.


Sandali lang, Shadow Filora? Parang may nabasa na ako o nakita tungkol sa sinasabi niya sa libro o sa kung saan man. Hindi ako sigurado pero pamilyar sa akin ang lugar na iyon. I have a gut that I know that kind of place but I can't recall anything about it.


Napakunot ako ng noo at bahagyang naningkit ang aking mga mata habang pinagmamasdan siya. May nararamdaman akong mabigat na presenya simula nang lumitaw siya sa aming harapan at parang gusto ko siyang usisain nang mabuti upang malaman kung sino ang nagpadala sa kanya sa virtual world. Sana man lang ang teoryang pumasok sa isipan ko ngayon ay malabong doon talaga siya nagmula.


"O baka naman isa kang uri ng bug na naligaw sa alternatibong mundo na dapat para sa pag-aaral namin. Hindi ito isang battle arena game na basta ka na lang mangdukot ng mga ordinaryong estudyante at manakop," mariin kong sabi.


"Matalino ka," sabi niya. "Mukhang nahulaan mo rin ang ibang detalye tungkol sa akin. Pero hindi pa iyon ang pinakaugat na dahilan upang mapadpad ako sa napakagandang mundo na kinatatayuan niyo ngayon."


"At ano naman ang pakay mo sa virtual world halimaw ka?" mariing tanong ni Ranzou at napahigpit pa lalo sa paghawak ng kanyang espada gamit ang dalawang kamay.


"Pakay? Madali lang sagutin ang bagay na 'yan. Bago ko pa man masakop ang mundong ito, kailangan ko munang hanapin ang isang mandirigmang taglay ang kapangyarihang ipinagkaloob ng isang asul na paruparo na mismong hadlang sa mga plano ko. Kapag hindi ko siya nakita ay tuluyan ko na kayong tapusin sa lugar na ito kahit gaano pa man kayo katapang na labanan ako," paliwanag niyang tila nagbabanta na.


Natigilan ako saglit sa kanyang mga salita nang pumasok sa aking isipan ang tungkol sa nangyari kanina habang nagpapalit ako ng damit. Ang oras na bigla na lang nagpakita si Blaurei at dumapo pa sa aking ilong na hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung ano ba talaga ang meron sa aking data energy signal. Sa mga salita niya ay parang napakapamilyar sa aking kamalayan ngunit hindi ko matandaan kung saan ko ito nalaman.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now