"Kenny-beh! Thank goodness you're safe!" mangiyak-ngiyak niyang sabi at agad na niyakap nang mahigpit si Kenny.
Sumakto namang nagkamalay si Kenny at naramdaman ang init ni Georgia na nakaakap sa kanya. Napailing na lang ako kasabay ng pagkunot ng noo habang pinagmasdan silang dalawa. Uh... pardon me but can't you just ease that freaking stuff? It gives me such an eyesore.
"Mabuti naman at ligtas siya," nagagaanang saad ni Emerson.
"Kailangan na nating umalis dito bago pa---"
Bago pa man kami makaalis ay yumanig ang lupa at umusbong ang mga kakaibang binya na parang kabute at humarang sa aming daanan na parang mga pader. Nang masaksihan ko ito ay tila nagkakarera na ang tibok ng aking puso sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Masama ang kutob ko sa pangyayaring ito. Para bang nagpapakita na sa amin ang sinasabing senyales na magdadala sa amin sa nakakagimbal na pangyayari.
Sa madaling salita, nandito na ang umaaligid sa lugar na ito.
"Anong?!" bulalas ni Ranzou.
"Paano naman nagkakaron ng ganitong klaseng pader sa harapan natin?" nagtatakang sabi ni Althea.
Nangatog sa tuhod si Georgia at muli na namang napasigaw nang may naaalala siya sa bagay na ito. Mas napakapit siya sa braso ni Kenny na gaya niya'y pinagpapawisan na habang nakatingin sa pader na gawa sa binya.
"Nandito na siya! Nandito na 'yong estrangherong dumukot sa amin!" nanginginig na saad ni Georgia.
Maya-maya pa'y isang nakakapangilabot na tawa ang narinig naming umalingawngaw sa paligid. Mistulang halimaw na ang gumambala sa aming pagtakas at gustong-gusto yata kaming sagpangin pareho.
Isang aninong nakakubli sa makapal na usok ang lumitaw sa harap namin na nakasuot ng cloak na magkahalintulad sa kulay ng usok na inbinubuga ng puno. Nakangisi ito at tila gutom na gutom nang makapaminsala ulit ng isa pang biktima gaya ng dalawang estudyanteng kanina pang nakaakap sa aming likuran.
Anak ng tinapang giliw! May gana pa kayong mangharot sa kalagitnaan ng mapanganib na sitwasyon!
"Hindi kayo puwedeng umalis sa gubat na ito!" nakakapangilabot na saad nito.
"Bakit? Dahil ba sa gubat na ito'y may batas at bawal lumabas?" pamimilosopong tanong ni Ranzou. Wew! May gana pa talagang magpatawa ang mokong na 'to sa oras na ito ah.
Napatanong tuloy ako sa aking isipan nang maalala ko ang mga paalala ni Blaurei at Prof. Leizuko tungkol sa estrangherong ito. Saan naman kaya siya nagmula at sino ba siya? Hindi naman siguro siya isang user o non-playing character kung mapapansin sa kanyang anyo. Pero pakiramdam ko isa itong bug na napadpad sa mundo ng virtual world.
"Huwag kang pilosopo!" mariing saad nito. Ikinumpas niya ang kanyang kanang kamay at biglang lumabas ang iba pang binya sa kanyang kinatatayuan at inutos nito na atakihin si Ranzou. Nanlaki ang kanyang mga mata at halos hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan nang masaksihan niya ito kaya agad akong rumesponde. Mabilis na naputol ang binyang aakma sanang umatake sa kanya.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 9: The Stranger
Start from the beginning
