Chapter 9: The Stranger

Start from the beginning
                                        


Napansin ko si Emerson na gusto na niyang pakawalan si Georgia upang takpan ang kanyang mga tainga dahil sa kanyang basag pinggan niyang sigaw.


"Hinaan mo nga ang boses mo para kang bakang nanganak!" mariing sabi ni Emerson at binaba siya. Natigilan tuloy si Georgia at humingi ng paumanhin kinalaunan.


Sa totoo lang napaisip ako kung pinaglihi ba siya sa megaphone o baka sa lakas ng boses niya na talagang nakakabasag pinggan na.


Kumuha ako ng isang tela mula sa aking item inventory at tinakpan ang kalahati ng aking mukha kasama ang ilong upang magsilbing proteksyon sa usok na binubuga ng puno. Lumapit agad ako kina Ranzou at Zoiren upang gawin ang susunod na hakbang matapos asintahin ni Althea ang tangkay.


"Ranzou, Zoiren, kailangan ko ang tulong niyo para sa hakbang na 'to!"


"Ok commander/Zenrie!" Tugon nila nang sabay at tinakpan din ng tela ang kalahati ng kanilang mukha. Binunot na rin nila ang kanilang mga espada mula sa lalagyan at inihanda ang kanilang sarili sa susunod na hakbang.


Bago pa man tuluyang bumagsak ang bola ng baging, kumilos na kami para sa susunod na hakbang. Tumalon ako nang mataas at sumabay naman silang dalawa. Para kaming mga agilang lumilipad na may huhulihing biktima sa bilis ng pagpunta namin sa naturang bola. Hindi na rin bago sa akin ang pangyayaring ito lalo na't naranasan ko na ito noong beta test.


When I finally get closer to the gigantic ball of vines my sword is illuminating in bluish white light as I enhance its power flowing from my right hand like electricity. Then I strike the surface of the ball thrice and leave a red mark that loses the durability of the ball. I quickly land on the safe part of the tree where there is no hole to release a strange smoke.


Sumunod agad si Zoiren mula sa aking ginawang atake at agad winasiwas ang kanyang espadang umiilaw sa kulay scarlet ang talim sa bola nang dalawang beses. Kapansin-pansin din ang kanyang angking bilis nang makita kong pinakawalan din niya ang lima pang atake habang itinuon niya ang kanyang sarili sa ginagawa. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito kung makipaglaban.


Lumapag agad siya sa kabilang sanga at kamuntikan nang madulas sa inaapakan niya. Mabuti na lang at agad siyang nakabwelo at napahawak sa isang kahoy na kumonekta nito. Mas malala pa pala ang nakita ko kesa sa pagbangga niya sa flagpole nang dumausdos siya pababa ng sandanas.


"Heto na ako!" gigil na sigaw ni Ranzou.


Sumunod naman si Ranzou matapos niyang palakasin ang kanyang kapangyarihan sa kanyang espada. His sword is glowing in golden yellow light and strike the surface twice. I immediately assist him and strike the same surface where the red mark becomes thicker until it create cracks and completely destroy.


Nakawala na rin sa wakas ang isa pang estudyante at agad siyang sinalo ni Ranzou at gaya nga ni Georgia ay may natamo rin siyang mga sugat sa braso at nagkatastas pa ang kanyang pantalon at suot nitong puting T-shirt. Dali-dali kaming bumaba habang iniiwasan ang makapal na usok saka lumapit si Georgia na basang-basa na ang kanyang mga pisngi sa luha.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now