"Psyho na ang tawag sa kanya kung ganoon Zoiren. Ibang klase rin ang trip na ginawa mo at talaga namang nagpanggap ka at inedit ang litratong ipinakita sa kanya," natatawa kong saad sa kanya.
"Mas kakaiba pa rin 'yong sayo Zenrie gaya ng ikinuwento mo sa akin dati sa GC natin na sinapak mo talaga ang stalker mo. Sa mga sinabi mo, siguro nakakatakot ka sa tuwing magagalit kaya hindi na rin nagpapakita 'yon sayo," sabi naman ni Zoiren na agad ding tumawa.
May gana pang mang-asar ang Zoiren na 'to kahit mas grabe 'yong karanasan niya sa usaping stalker. Sino ba naman ang hindi matatakot kapag may nagregalo sayo ng isang patay na kuting at obsess pa sayo? Iba rin ang karisma ng lalakeng 'to ano?
"Sa totoo lang Zoiren ayaw pa rin niyang tumigil hanggang ngayon. Nitong mga nakaraang araw nga lang sinundan pa ako nang sinundo na ako ni Prof. Aise para sa beta test. Sinabi pa naman niyang huwag daw ako sasakay sa van ng Sirius Tech dahil dudukutin nila ako at ibebenta ang lamang-loob ko. Kaya ang nangyari ay ginamitan siya ni Prof. Aise ng isang dissolvable tranquilizer needle upang tumahimik siya at sa mga oras na 'yon dapat ginamit ko ang improvised stun gun sa kanya. Naunahan nga lang ako pero ayos na rin 'yon para tumahimik siya," salaysay ko naman sa aking mga karanasan saka ngumiti nang bahagya.
Ngayon lang ulit kaming nagkukuwentuhan ng ganito simula noong magkita kami ulit sa kasagsagan ng aming enrollment. May pagkakataon ding napansin nina Mimi at Althea na may pagkakapareho rin kami ng mga kuwento sa buhay at ugali gaya na lang ng isinalaysay ni Zoiren sa akin ngayon. Sa asaran lang talaga kami magkakatalo minsan at may pagkakataong titigil siya sa tuwing titignan ko sa mata na parang gusto ko nang manakal ng poste.
Para sa akin nagkataon lang ang mga bagay na ito at wala namang koneksyon. Sadyang may pagkakapareho lang kami maliban lang sa taglay naming nakaraan at ang virtual identity.
"Siguro tinamaan siya nang todo sayo Zenrie kaya ayaw na niyang tumigil sa kakahabol sayo," mapang-asar namang sabi ni Zoiren at tumawa ulit.
"Sira ka talaga Zoiren!" Bulalas ko kasabay ng pagsiko sa kanang braso at napailing siya. "Ang sabihin mo, kailangan na ng mga stalker natin ng mga mahuhusay na psychologist dahil maluluwag na ang mga turnilyo at sobrang obsess na," saad ko.
"Mukha nga," pagsang-ayon naman niya.
Nagsimula na rin kaming maglakad papunta sa hardin upang doon na lang hintayin ang iba pa naming mga kasamahan. Habang nagkukuwentuhan pa ay nagawa ko na namang asarin siya. Akala niya siya lang ang malakas pagdating sa ganoong bagay.
"Ikaw na lang kaya ang maging pain sa gwardya. Total nagpanggap ka namang may nobya at nagbakla-baklaan noong nasa 11th Grade ka," I said with a smirk on my face.
Zoiren scoffs after he heard those words. "Sira! Ayoko nang ulitin ang bagay na 'yon noh. Tumigil na rin ako sa kalokohang 'yon nang lumipat siya sa ibang paaralan at binlock ako sa lahat na social media sites. Dinaig pa talaga ang hiniwalayan ng jowa. At isa pa, may hinahangaan pa akong isang manunulat maliban kay Luna Cirea kaya huwag mo na akong asarin d'yan Zenrie," naaasar namang sabi ni Zoiren. Ayokong aminin 'to pero ang cute niyang asarin para si Issei.
ESTÁS LEYENDO
Class Code: ERROR
Ciencia FicciónHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 8: A Forest behind the Wall
Comenzar desde el principio
