"Huwag sana siyang magtatangkang lumiban sa misyong 'to kagaya sa group activity namin dati. Siya pa naman ang magsisilbing pain upang lituhin ang gwardyang tinawag niyang pepperoni," seryosong saad ko saka napakibit balikat. Tumingin ako sa kalangitan lalo na sa buwan habang may iniisip ulit.
Lagot talaga sa akin ang Rakuzou na 'yon kapag hindi siya magpapakita sa amin para sa misyon.
Tumawa nang mahina si Zoiren sa aking mga sinabi nang maalala niya ulit ang mga kaganapan sa hardin. "Bakit pa kasi niya sinabi ang salitang pepperoni sa harap ng gwardya habang sinusubukan niyang mag-compliment? Ayon tuloy hinabol tayo kanina tapos dinaig pa talaga ng isang toro ang pagkainis niya."
"Sinabi mo pa. Siguro nagutom na naman 'yon kaya pepperoni ang lumabas sa bibig niya at hinabol ng gwardya rito sa virtual world. Dati mga halimaw o iba pang mga kalaban kong player ang humahabol sa akin nang minsan akong maglaro. Minsan pa nga ay may stalker na humirit sa buhay mo at dumating sa puntong sinapak ko na sa inis," sabi ko sa kanyang tila nagkukuwento na.
"Pareho pala tayo Zenrie. Maliban din sa mga halimaw sa laro at gwardya ay minsan na rin akong hinahabol ng stalker ko," paglalahad naman ni Zoiren na ikinasorpresa ko. "Alam mo ba kung ano pa ang mas malala?"
"Ano naman 'yon?" tanong ko sa kanyang tila nagiging interesante sa inilalahad niyang kuwento.
"Huwag ka sanang matatawa kapag nalaman mo 'to," sabi ni Zoiren.
"Ok Zoiren hindi ako tatawa at makikinig ako sa mga ikukuwento mo sa'kin," tugon ko kasabay ng pagtaas ko ng kanang kamay tanda ng pangakong hindi dapat tatawa kapag nalaman na.
Huminga na muna nang malalim si Zoiren at saka inilahad na ang kanyang mga pinagdaanan. "Bakla ang stalker ko noon at parang may lahi yatang Yandere gaya ng mga nasa anime ang pag-uugali. Talaga ba namang bibigyan ka ng regalong naglalaman ng patay na kuting kasama ang isang sulat. Natatandaan kong inilagay niya sa papel na 'yon ay walang sinuman ang aangkin sa akin kundi siya lang. Nang tumuntong na ako sa 11th Grade pinrangka ko siya upang tigilan na niya ang pambubulabog sa akin. Nagpanggap din akong may nobya na at saka ipinakita ko sa kanya ang isang litratong may kasama akong babae na sa totoo lang ay isa sa mga hinahangaan kong manunulat maliban kay Luna Cirea na inedit ko gamit ang photoshop app sa laptop ko. Nagbakla-baklaan din ako nang mga oras na 'yon upang tumalab pa at isiping magkatulad kaming dalawa. Paniwalang-paniwala naman siya kaya simula noon hindi na siya nambubulabog at lumipat pa sa ibang paaralan." Pagsasalaysay naman niya at tumawa nang mahina.
Kung sino pa itong nagsabing huwag tumawa sa pagsasalaysay ng kanyang pinagdaanan, siya pa talaga ang nanguna. Natawa na rin ako sa mga ikinuwento niya at talagang hindi rin ako makapaniwalang naranasan na rin pala ni Zoiren ang pagkakaroon ng isang nakakabwisit na stalker.
"Grabe ka! Ginawa mo talaga ang bagay na 'yon?" natatawa kong sabi saka lumingon sa kanya.
Nagkasalubong din ang kanyang mga tingin sa akin nang lumingon saka ngumiti. Kahit hindi niya ipinapahalatang medyo naiinis siya nang tumawa ako sa kanya matapos kong malaman ang kanyang kuwento ay napapansin ko pa rin ito sa mga mata niya. "Oo para lang tigilan na niya ako. At isa pa nakakatakot na kaya ang magkaroon ng ganoong klaseng stalker sa buhay mo."
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 8: A Forest behind the Wall
Start from the beginning
