[Mag-iingat kayo sa misyon niyo Riri. Sana makita niyo na ang dalawang nawawalang estudyante sa gubat. ~Mimi]
Napangiti ako sa pagiging maalalahanin niya at mas lumakas pa ang loob ko nang makaramdam ako ng konting kaba kanina. She's one of the greatest best friends I ever had since I was young.
[Salamat Mimi. Sana nga magtagumpay kami sa misyong ito. ~Riri]
Ito ang naging tugon ko sa natanggap kong mensahe mula sa kanya. At gaya nga ng sinabi ko sa aking mensahe sa kanya'y sana maabutan pa namin sila Georgia at Kenny sa gubat.
After I send the message, I open Zoiren's message next and read it.
[Zenrie nasaan ka na? Nandito na ako sa may labasan ng Education and Law Department. Ako pa lang ang nandito at hindi pa nakapag-log in ang iba. ~Zoiren]
Mukhang nandito na rin siya sa virtual world at kanina pang naghihintay sa akin. Kahit medyo huli siya ng 15 minuto ay hindi na rin ito masama kumapara sa isang oras ka nang dumating mula sa pinag-usapang itinakdang oras.
[Ok. Sakto ring palabas na ako sa rest room ng naturang gusali. Hintayin mo'ko sa labasan. ~Zenrie]
Agad ko namang ipinadala ang aking tugon sa kanyang mensahe kasabay ng paglabas ko sa rest room. Mabuti pa siya nakarating na. Nasaan na ba 'yong iba lalong-lalo na si Ranzou na may kasalanan sa gwardya dahil tinawag niyang pepperoni? Kapag hindi 'yon sumulpot talagang gagawin ko siyang dummy para sa mga pagsasanay ko.
Habang naglalakad ako sa palabas ng naturang gusali ay sakto namang nakita ko siya sa labasan. Nakasuot siya ng navy blue na T-shirt at itim na skinny pants. Magkapareho din ang kulay ng kanyang pantalon sa suot niyang snickers na talagang bumagay naman asa kanyang suot.
"Mabuti naman at nandito ka na Zoiren," pagsalubong ko sa kanya at ngumiti. "Nasaan na pala sila Althea?"
"Mag-lo-log in pa lang sila Zenrie, pero si Ranzou may ginagawa pa sa bahay nila," sagot niya.
Napabuntong hininga na lang ako ng konti upang kumalma. I became a little bit impatient while waiting for them in the rest room and talking to Blaurei for almost 15 minutes. Nakakatawa ring isipin na ang pinag-usapan niyong oras ay dapat alas nuebe impunto pero dumating na sa lagpas oras. Mas malala pa'y halos matapos ang isang oras pa sila makarating o hindi na talaga darating. 'Yon talaga ang dapat hindi gagawin sa tuwing may importanteng pagtitipon at pagpupulong lalo na kung isa itong matinding emergency. Pero sa ngayon, kailangan ko na munang unawain at ikonsidera ang kanilang dahilan kung bakit sila natagalan sa pagpunta maliban lang sa mga walang kuwentang dahilan.
Gaya na lang ng palusot ni Ranzou dati para sa aming takdang-aralin sa grupo na dapat siyang pumunta pero hindi lumitaw dahil nilalagnat siya; 'yon pala nahuli kong naglalaro sa isang internet café na malapit sa SAU. He's a little bit tricky sometimes when it comes to this situation like this and that's why I planned to make him as bait for the security guard who called him as pepperoni.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 8: A Forest behind the Wall
Start from the beginning
