Highest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020)
"Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Ano bang trip ni Blaurei kaya niya ginagawa ito? Is she sucking my data energy signal or what? Sa pagkakaalala ko tungkol sa mga paruparo, may kakayahan din silang sumipsip ng luha o kahit na dugo ng isang nilalang para madagdagan ang mga kinakailangan nilang mineral sa kanilang katawan. Marami na rin kasi akong nababasang mga detalye tungkol sa paruparo pero kahit ganoon mahilig pa rin ako sa nilalang na 'to.
Maya-maya pa'y nawala na rin ang liwanag na pumalibot sa aking katawan at napadilat na rin ako sa aking mga mata. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang mga ginagawa niya sa akin pero gusto kong malaman kung ano 'yon.
Maliban d'on, nararamdaman kong mas nagiging malakas ako at ewan ko kung ano pa ang kasunod. This little creature is really weird.
"Anong ginagawa mo sa akin kanina Blaurei?" tanong ko kasabay ng pagtataka.
Muling ipinagaspas ni Blaurei ang kanyang mga pakpak at lumipad sa aking harapan. "Hinalikan sa ilong ano pa nga ba? Kung ano man ang tumatakbo sa isipan mo hindi ko gagawin 'yon noh!"
"Ibang klase rin ang trip mo ano?" sarkastikong saad ko at agad napakibit balikat.
"Pero seryoso Zenrie, malalaman mo rin ang bagay na ginawa ko at uusbong din ang kakaibang kakayahan mo sa tamang panahon. Sa ngayon kailangan niyo nang pumunta sa kinaroonan ng dalawang estudyante bago pa man mahuli ang lahat," paalala naman sa akin ni Blaurei.
Tumango ako sa kanya tanda ng aking pagsang-ayon kasabay ng ngiti.
Hindi ko akalaing sasabihin ko ito pero may bago na namang palaisipan ang dumagdag sa utak ko at kasama na roon ang ginawa sa akin ni Blaurei. Kakaiba man pero nahihiwagaan na ako sa misteryo ng kanyang pinagmulan. The only first impression I have right now is an AI keeps on watching me and suddenly kiss my nose and an unexplained light wrapped me and that is the blue butterfly.
Mukhang iniengkanto na talaga ako sa virtual world o sinusundo na talaga ng shinigami. Hay!
========
¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.
Lumabas na ako sa rest room at sa mga oras na ito'y ako na lang mag-isa. Umalis na kasi si Blaurei at sinabi sa akin na sa susunod naming pagkikita ipapaliwanag niya sa akin lahat ang tungkol sa aking data energy signal at sa katauhan ko bilang si Black Navillerian Angelus. Maya-maya pa'y agad tumunog ang notification ko kasabay ng pagkutitap ng isang butterfly icon mula sa aking harapan. Kaagad kong binuksan ang aking student's window at pinindot ang messages icon. Tumambad sa akin sa isa pang window ang apat na mensaheng mula kay Prof. Leizuko, Mimi, Zoiren, at isang message request mula sa isang user na 'di ko kilala. Hindi koi to pinansin kaya inuna ko munang buksan ang mensahe ni Mimi.