Chapter 8: A Forest behind the Wall

Start from the beginning
                                        


"Bakit naman ako?" tanong ko sa kanya.


"Dahil maliban sa pagiging top rank player mo sa laro, taglay mo rin ang katangian ng isang tunay na Black Navillerian Angelus gaya sa kuwento. Alam kong medyo naguguluhan ka pa sa mga nangyayari ngayon lalo na't nag-iimbestiga ka na rin sa mga misteryo rito sa virtual world."


"Isa lamang akong hamak na estudyante ng SAU Blaurei---" naputol ang mga salitang dapat kong sabihin nang bigla na nalang akong inunahan ni Blaurei at napasigaw na lamang siya.


Siguro kung tao lang itong si Blaurei kanina pa niya ako sinapak dahil sa mga pagdududa ko. Pero tungkol naman sa kanya, para siyang isang AI na sa anyong paruparo na hindi ko alam kung paano siya napadpad sa mundong ito simula sa beta test. Hanggang ngayon ay nananatili pa ring misteryo sa akin ang mga bagay na ito kahit na ang pinagmulan niya.


"Huwag ka nang magdahilan d'yan Black Navillerian Angelus! Wala nang oras para sa mga bagay na 'yan at kailangan mo nang tulungan ang mga dinukot na estudyante sa gubat. Kailangan niyo ring ingatan ang mga sarili niyo dahil nandoon ang sinasabing estranghero na nagbabantay sa kanyang mga bihag," sermon naman niya sa akin.


"Ok! Ok Blaurei I don't want to ask you again because my mind is still on the process from  these unexplained events," kalmadong sabi ko sa kanya. "Hindi naman siguro masyadong mapanganib ang sinasabi mong estranghero sa gubat tama?"


"Kapag nagpakatanga ka habang nilalaban ang estrangherong 'yon ay talagang masasabi mong mapanganib siya."


Tinapang giliw naman oh! Seryoso ako sa mga katanugan ko tapos sasagutin ka lang ng isang biro? Huwag mong hintayin na pumalakpak ako sa harap mo at pisain gaya ng lamok kapag nagkataon. Pero sa mga sinabi niya ay tatanggapin ko na lang 'yon bilang isang sersyosong sagot na may punto naman.


Bawal ang magpakatanga sa isang laban dahil bukas na bukas ang weak point mo upang tirahin ka ng kalaban at magdudulot pa ng matinding pagkatalo sa isang mandirigma.


Huminga muna ako nang malalim saka muling nagsalita. "May punto ka rin naman d'yan. Alam mo rin ba kung sino o ano ang sinasabi mong estranghero?"


"Malalaman mo rin ang bagay na 'yan pagdating niyo roon Zenrie. 'Yon lang muna ang maiuulat ko sayo sa ngayon dahil kailangan niyo nang umalis," sabi niya.


Grabe pati detalye ng estranghero ayaw pang ibahagi. Siguro may mga bagay lang talagang dapat masaksihan mo sa sarili mong mga mata. Sa usapin namang estranghero sa gubat, hindi na ako makapaghintay na makipagkamustahan sa kanya at ang espada ko.


Biglang lumapit nang husto si Blaurei at dumapo ulit sa aking ilong gaya ng ginawa niya noong beta test. I can feel her proboscis kissing my nose and suddenly a bluish white light appeared on my nose down to my face until it covers me like a blanket of aura. Nararamdaman ko rin ang malamig na hangin sa aking paligid na tila hinihipan ang isang dahong nalalaglag sa lupa. May naaamoy din akong napakabango na ayon sa naaalala ko'y mula sa asul at lilang rosas gaya sa hardin ni mama. Isang hindi maipaliwanag na lakas din ang dumaloy sa aking katawan at ugat na agad kong ikinagulat.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now