Catch me if you can earthling...
Maya-maya pa'y nakarinig ulit ako ng kanilang mga yabak sa sahig na lumabas na sa rest room at ganoon na rin ang pagsara ng pinto. Lumabas agad kami ni Blaurei sa toilet cubicle at napabuntong hininga agad nang marinig ko ang kanilang usapan. Masasabi kong ito ang isa sa mga naging kondisyon sa pagiging top rank player at pagsali sa isang guild sa laro. Pag-uusapan ka nila hanggang sa malalaman nila kung sino ka ba talaga sa tunay na buhay na talagang nakakaasar sa pakiramdam maliban na lang sa mga nakakaalam na at mapagkakatiwalaan sa sikreto mo. Mabuti na lang din at naging solo player na ako matapos ang pagbuwag ko sa isang guild na gusto akong ilagay sa kapahamakan.
"Mukhang nasobrahan yata siya sa maintenance niya ah," mapang-asar kong saad at ngumisi.
"Sinabi mo pa Zenrie," pagsang-ayon naman ni Blaurei at gaya ko'y napabuntong hininga na rin ng sobrang lakas. Matapos ang pangyayaring 'yon ay bumalik ulit kami sa aming pag-uusap tungkol sa naudlot na bagay na dapat niyang sabihin sa akin. Pero imbes na 'yon ang sasabihin niya ay bigla siyang kumambyo sa usapin tungkol sa nawawalang estudyante sa hardin ng SAU.
"Zenrie, bago ko muna ipaliwanag sa iyo ang tungkol sa pagmamatyag ko sayo at sa data energy signal mo, may kailangan kang dapat unahin sa puntong ito at 'yon ang pagliligtas mo sa dalawang estudyante sa gubat na tinutukoy niyo." Sabi ni Blaurei na agad pumagaspas sa kanyang mga pakpak at humarap sa akin.
Unti-unti akong naging seryoso sa mga oras na ito nang binuksan niya ang usaping ito. Sa tingin ko hindi lang tungkol sa data energy signal ko ang alam niya at pati na rin ang mga nangyayari sa virtual world. Syempre sino ba naman ang mamamangha sa isang paruparong dinaig pa ang imbestigador o stalker kung makapagmatyag at mag-imbestiga sa mga nangyayari?
"Paano mo naman nalaman ang tungkol sa mga nawawalang estudyante Blaurei?" pagtatakang tanong ko.
"Gaya nga ng sinabi kanina sayo, nagmamatyag ako hindi lang sa data energy signal mo kundi sa mga nangyayari rito. Akala mo rin ba hindi ko alam ang ginawa mo sa gymnasium kahapon?"
Nasorpresa tuloy ako sa kanyang mga sinabi sa akin nang bumalik sa aking isipan ang ginawa kong konting kalokohan sa gymnasium upang subukan ang mga binigay ni Prof. Leizuko sa amin na mga misteryosong armas. Ibang klase rin ang Blaurei na ito rin ano? Dinaig na talaga si Sack sa mga ginagawa niya.
Napangiti ako nang bahagya sa kanya at tumango ng isang beses. "Mukhang hindi na ako magtatanong sa pagiging mala-stalker na abilidad mo Blaurei. Pero matanong ko lang, may alam ka ba mga naganap sa kanila kagabi?"
"Ayon sa mga nasaksihan ko, lumitaw ang isang misteryosong gubat sa dulo ng hardin at sa mga oras na 'yon ay nainis ang babae sa kanyang nobyo saka pumunta sa lugar na 'yon. Tumatak rin sa kanilang mga isipan ang mga pagtataka dahil sa mga nakita nila. Ilang saglit lang ay isang estranghero ang nagpakita sa kanila at dinukot. May nakita rin akong naputol na baging na talagang ikinabahala ko rin kaya hinanap kita. Alam kong na sa'yo ang angking kakayahan na makipaglaban at abilidad ng isang mandirigma," paliwanag sa akin ni Blaurei.
Ako? Bakit naman ako ang hinahanap ni Blaurei at sinabing nasa akin ang mga sinasabi niyang kakayahan? Sa laro lang ako malakas at sa paggamit ng mga tinuro sa akin ni mama na mga fighting skills ngunit sa realidad hindi talaga. Hindi ako tunay na malakas.
ESTÁS LEYENDO
Class Code: ERROR
Ciencia FicciónHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 8: A Forest behind the Wall
Comenzar desde el principio
