Chapter 8: A Forest behind the Wall

Começar do início
                                        


Habang nag-uusap kami ni Blaurei ay may narinig akong dalawang babaeng estudyanteng patungo rito. Agad kaming nagtago sa isang toilet cubicle para hindi kami makita lalo na ang paruparong nagsasalita. Abala silang dalawa sa kanilang pag-uusap at hiindi ko rin maiwasang makinig sa kanila dahil sa napakalakas ng aking pandinig at napakapamilyar ng kanilang mga boses.


"Sigurado ka bang pupuntahan mo ang hardin nang mag-isa Analiz? Alam mo namang delikado roon 'di ba lalo na't may sumulpot na gubat sa dulo?" sabi ng isang babae na agad kong nakilala ang boses Isa siya sa aming mga kaklase nina Ranzou at Emerson na talaga namang gusto akong hanapin sa laro. Pareho silang dalawa ni Analiz.


"Well Eunice, I have to do it all by myself. Para sakaling mailigtas ko ang dalawa, sigurado akong ako ang kilalanin na bayani sa campus," mapagmalaking sabi ni Analiz.


"Bayani? Duh! You're so noob in the game remember? Lagi ka na lang natatalo ng top rank player na si Black Navillerian Angelus; ni hindi ka man lang marunong gumamit ng punyal o special skills," pranka naman ni Eunice sa kanya. Hindi ko maiwasang tumawa nang mahina sa mga sinabi niya at talagang mas naaalala ko na ang dalawang ito tungkol sa laro.


Bumulong naman si Blaurei sa akin. "Siya ba 'yong impaktang gustong tumalo sayo sa laro Zenrie?" tanong niyang may gigil sa tono.


"Sabihin na lang nating oo Blaurei," bulong ko sa kanya.


Kung hindi ako nagkakamali, minsan ko na rin siyang nakalaban sa laro dati sa isang dwelo sa isang battle arena match. Nagkakandarapa pa nga siyang gamitin ang punyal laban sa akin ngunit imbes na ako ang matamaan ay 'yong isa pang NPC o non-playing character ang tinamaan niya sa bench na nasapul pa sa dibdib. Sa huling segundo n'on ay ginamit ko na ang isa sa mga sword skill ko sa laro at tinapos ang ginagamit niyang character. Nakilala ko agad sila dahil na rin mga tunay na pangalan pa ang kanilang ginamit sa laro na dapat isang pseudonym. Mukhang desigido nga talaga silang talunin ako sa laro at malaman kung sino ba talaga si Black Navillerian Angelus.


May mga pagkakataong pinagtitripan nila ako sa klasrum sa tuwing wala silang ginagawa sa klase. Ang nakakatawa lang ay naaasar sila sa tuwing ngumingiti lang ako at hindi sila pinapatulan. They might try to bully me because of some nonsense reasons but I don't give an attention to them.


Isa pa, mga halimaw lang ang nilalabanan ko sa laro at hindi mga hayop gaya ng isang hyena. "Respect nature especially animals" ika nga sa isang kasabihan.


"Tumahimik ka! At least I fought against that b*tch!" mariing saad niya. Mukhang medyo napikon siya sa mga sinabi ni Eunice ah.


"But you lose from the duel against the top rank player Analiz," pambabara naman ni Eunice. "Pero sandali, paano naman kung makaharap mo siya rito sa virtual world?"


"Eh ano pa nga ba? I want a rematch and I want to make sure that her alter-ego will reveal as soon as I got her. Kapag nangyari 'yon, gagamitin ko ang bagay na 'yon at tuluyan siyang tanggalan ng rank." Saad naman niyang may kasamang pagbabanta.


Hay! Hindi ko alam kung matatakot ako sa mga sinasabi niya o matatawa. Determinado talaga siyang malaman kung sino si Black Navillerian Angelus at alisin sa kanya ang rank. Pero sa totoo lang ang masasabi ko'y mapapagod lang siya sa ginagawa niya. Hindi niya madaling malaman at tanggalan ng maskara si Black Navillerian Angelus na parang isang takip ng bote.

Class Code: ERROROnde histórias criam vida. Descubra agora