"Oo... tulungan niyo siya pakiusap! Ayokong mawala siya sa akin. Nasa gitna siya ng gubat..." pagmamakaawa niya kasabay ng mas lalo pang panghihina ng katawan.
Bigla na lang siyang nawalan ng malay at natumba pa mismo sa kinatatayuan ko. Mabuti na lang at nasalo ko siya at may sapat na lakas ako upang buhatin siya. Kinuha ko na rin ang ekstrang palda sa aking student's window at ipinasuot sa kanya na kumasya naman. Kailangan kong gawin ito para paggising niya ay hindi niya mapapansing nawalan siya ng palda at iisiping may humarass sa kanya.
Hay! Ibang klase talaga kapag pumapag-ibig ano? Kasama talaga sa bagay na iyon ang takot na mawala ang taong minamahal mo. Pero minsan kailangang tanggapin ang masakit na katotohanan sa tunay na buhay na darating talaga sa puntong mawawala at aalis ang taong mahalaga sayo kahit gaano pa katagal ang pinagsamahan niyo. People come and go and nothing is permanent even here in the virtual world.
And what the heck is that suffix?
Sandali lang. Parang lumihis na yata ang mga sinasabi ko imbes na itinuon ko ang aking sarili sa misyong ito.
"Nanghihina na siya," saad ko habang nakatingin sa kanya at agad ibinaling ang aking atensyon sa kanila, "Kailangan nila ang tulong natin lalo na't nsa panganib pa ang isang estudyante."
Agad akong tinulungan ni Emerson at dahan-dahan niyang binaba si Georgia sa lilim ng akasya at sinandal siya rito. Gumaan ang pakiramdam ko nang makita na namin ang isang estudyante at ligtas na siya.
Pero pagtataka ko, paano naman siya nakatakas?
"Sa nakikita natin sa kanyang kalagayan, masasabi kong mapanganib talaga ang estrangherong iyon at sa mga oras na ito ay hawak pa niya si Kenny. Tama nga ang sinabi ni Prof. Leizuko," nag-aalalang sabi ni Ranzou.
"Sa tingin niyo, ano namang klaseng nilalang ang umaaligid sa gubat na ito at hawak pa niya si Kenny? Huwag niyong sabihing isang halimaw na nagmula sa isang laro at napadpad dito dahil sa isang bug," hula naman ni Zoiren na mas nagbibigay pa ng mga katanungan at teorya sa aming mga isipan tungkol sa sitwasyong ito.
Sa mga sinabi niya, sa tingin ko'y imposibleng mangyari ang bagay na 'yon.
"Malabo yatang mangyari ang bagay na 'yan Zoiren. At kung kagagawan man ito ng isang dalubhasa o bug, ibang usapan na 'yan," seryosong saad ko.
Maya-maya pa'y nakarinig kami ulit ng napakalakas na sigaw ng lalake mula sa sinasabing lokasyon ni Georgia. Dahil sa malakas kong pandinig ay nakatuon ang aking atensyon sa hilagang direksyon. Mas lumalakas pa tuloy ang hangin na humahaplos sa aking itim na buhok na mas nagpapalakas pa ng pagsagap ko ng iba pang mga data energy signal. Muli na naman akong napakuyom sa aking kanang kamay dahil sa napapansin kong kakaiba sa lugar na ito. Pakiramdam ko may ipinapahiwatig sa akin ang hanging ito at malapit lang dito ang sinasabing gitnang bahagi ng gubat.
"Ang sigaw na 'yon," mahinang saad ni Zoiren.
"Mukhang boses ni Kenny 'yon," dagdag ko.
Binunot ko agad ang aking espada nang mabilis at winasiwas nang tatlong beses sa ere saka ipinuwesto sa bandang ibaba ng aking kanan. I can feel a fire urging inside of me to prepare for this extraordinary mission to save the innocents. Malakas din ang pakiramdam kong may hatid na malaking banta ang sinasabing nilalang o estranghero sa gubat na ito.
"Kailangan na natin siyang puntahan agad bago pa man mahuli ang lahat!" malakas na sabi ko sa kanila.
Kailangan na naming magmadali bago pa siya maghasik ng lagim dito sa virtual world na dapat nakatuon lang sa pag-aaral namin. Nasasabik na rin akong makilala kung sino man ang estrangherong iyon.
"Oo!" Buong tapang nilang tugon.
"Tara na't sagipin na natin ang bihag ng estrangherong sinasabi ni Georgia," dagdag naman ni Althea.
Mukhang mapapasabak na talaga kami sa isang labanan ngayong gabi.
=====
Ano naman kaya ang ipinapahiwatig ni Blaurei kay Zenrie?
Sino ba ang sinasabing estrangherong dumukot sa dalawang estudyante?
Abangan sa susunod na kabanata...
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 8: A Forest behind the Wall
Start from the beginning
