Chapter 8: A Forest behind the Wall

Start from the beginning
                                        


Agad kong kinurot ang kanyang tainga dahil sa inis at napailing ito. Siguro may pinapanood na naman ang tokwang ito sa internet na nakakatanggal ng kainosentehan at iyon pa talaga ang naisip niyang sabihin. Baka (Stupid).


"Iniisip mo na naman sigurong may ginagawa silang milagro sa virtual world kahit panay ang pag-P-PDA nila ano? Hay naku Ranzou!" naiinis na saad ni Emerson.


"Ipinagbabawal ang bagay na 'yon rito sa virtual world kung iniisip mo ang bagay na 'yon Ranzou. Talagang mapupuwersa silang ma-log out sa virtual world kasabay ng pag-uusap nila sa dean at mas malala pa'y masibak pa sa SAU. At isa pa, kaso ng pagdukot ang pinag-uusapan dito at hindi isang courtship seminar," seryosong saad ko saka pinakawalan ang kanyang tainga. "Nakakapagtaka rin ang mga tastas sa mga damit na ito sa totoo lang. Sigurado akong may ginawa sa kanila ang nilalang na 'yon."


"Oo nga. Sa tingin niyo, anong klaseng nilalang kaya ang dumukot sa dalawang 'to?" tanong naman ni Althea.


Habang nagpatuloy ako sa pag-aanalisa sa hawak kong palda, may isang nakakapangilabot na boses ang narinig namin mula sa layong 70 metro. Humihingi ito ng tulong sa amin at gaya nga ng inaasahan ay mas lumalakas pa ang nararamdaman naming data energy signal at ganoon na rin ang aking pandinig.


"Tulong! Tulungan niyo ako!"


Mabuti na lang at nakapansin din ang aking mga kasamahan tungkol dito.


"Naririnig niyo 'yon?" tanong ni Ranzou.


"Oo, at sa tingin ko palakas nang palakas ang boses na 'yon sa ating kinatatayuan," tugon naman ni Zoiren.


Ilang saglit lang ay may namataan akong anino ng isang babae at patakbo siyang lumalapit sa amin hanggang umabot na rin siya sa 10 metro mula sa aming kinatatayuan. Hindi ko na rin matiis ang aking pag-aalala kaya minabuti ko nang lapitan ito.


"Zenrie sandali!" pagtangkang pigil sa akin ni Zoiren.


Nang malapitan ko siya ay laking gulat ko nang masilayan ko ang isa sa mga nawawalang estudyante kagabi sa naturang lugar. Kalunos-lunos ang kanyang sinapit ayon sa napapansin ko sa kanya. Natatanggal na ang kanyang kaliwang manggas, sira-sira na rin ang kanyang knee socks, isang sapatos na lang ang kanyang suot, naka-cycling shorts, at may mga sugat pa siya sa magkabilang braso at binti na tila may bakas ng isang baging. Nanghihina na rin siya at kailangan nang gamutin sa lalong madaling panahon.


Kapansin-pansin din ang mga sugat niya. Hindi ito kagaya sa tunay na mundo na may dugong lumalabas o tutulo. Nag-iiwan ito ng pulang marka at tila binubuo ito ng macropixels. Not just that, I can see the tiny red crystal fragments that looks like blood evaporating from the wound to the air. Parehong-pareho rin talaga ito sa kuwentong nabasa ko dati at sa mga napanood ko.


"Tulungan niyo ako pakiusap! Nasa kamay pa ng estranghero si Kenny-beh at ikinulong siya sa isang malaking bola na gawa sa binya!" natatarantang sabi ni Georgia.


"Estranghero? Ikinulong sa isang malabolang baging?" pagtatanong ni Emerson sa kanya na talagang gustong umusisa.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now