Chapter 8: A Forest behind the Wall

Start from the beginning
                                        


"Wala naman Zoiren," saad ko sa kanya at agad kumambyo sa usapin tungkol sa nasasagap naming data energy signal. "Malakas ang kutob kong nandito lang sila sa paligid lalo na't mas lumalakas ang nararamdaman kong data energy signal dito," dagdag ko.


Pasimple na rin akong lumingon sa paligid upang magmasid. Tumingin din ako sa aking kanang kamay na kanina pang nakakuyom upang itago ang liwanag nito na unti-unti nang nawawala gaya ng mga iniinda ko kanina. Ba't lapitin na rin ako ng mga kababalaghan sa mga oras na ito?


"Ganoon din ako Zenrie," sabi naman niya at sumang-ayon sa aking mga sinabi.


Pumunta agad ako sa unahan at mas lalo pang lumalakas ang nasasagap naming data energy signal. Unti-unti na ring nagkakaroon ng hamog sa paligid na dahan-dahang tinatakpan ang aming daan papunta sa aming destinasyon. Nakakaramdam din kami ng lamig at konting pangangatog sa aming mga tuhod. Pero para sa akin, may napapansin na akong mali sa lugar na ito.


May napapansin agad ako sa unahan. Tila may mga anino ng dalawang damit na sumabit sa isang sanga ng punong akasya na nakakubli sa makapal na hamog.


"Ano 'yon?" tanong ni Ranzou.


"Parang may tao sa unahan kaso hindi ko masyadong makita dahil sa hamog," tugon ko.


Pumunta agad si Emerson na hawak ang kanyang sibat at pumuwesto. "May susubukan muna ako saglit Zenrie," sabi niya.


Pinaikot niya nang mabilis ang kanyang sibat gaya ng isang elesi at unti-unting nawawala ang hamog sa paligid upang makita namin ang daanan namin nang maayos. Salamat na rin sa napakaliwanag na buwan dahil hindi na rin kami mahihirapang tahakin ang aming destinasyon.


Nakakahanga rin talaga ang ginawa ni Emerson ngayon. Hindi na rin ako magtataka sa ginawa niya dahil minsan na rin niyang ginamit ang abilidad na ito sa laro maliban sa ginagamit niyang element ng hangin.


"Ang galing ng ginawa mo Emerson. Maaasahan ka talaga namin," sabi ko sa kanya.


"Salamat Zenrie."


Lumapit kami nang husto sa puno ng akasya at gumulantang nga sa aming harapan ang isang palda ng babae at polo ng lalake. May konting tastas na ang manggas nito at ganoon na din sa palda na nagbibigay ng palaisipan sa 'min.

"Anak ng... mga uniporme 'yan ah!" bulalas naman ni Ranzou nang masilayan niya ang mga damit sa sanga ng puno.


Kinuha ko kaagad ang paldang gutay-gutay na at sinuri ito. "Sandali. Sa tingin ko kay Georgia ang paldang ito at bago pa ang mga tastas ng ibang bahagi nito," pag-aanalisa ko sa hawak kong palda.


"Ganoon din sa polong ito," sabi naman ni Zoiren nang makuha niya ang polo sa sanga. "Hindi ko alam kung anong ginawa ng sinasabing nilalang ni Prof. Leizuko sa kanila, pero sigurado akong may masamang nangyayari rito."


"O baka naman may ginagawa silang kalokohan kaya iniwan na lang nila basta-basta ang mga damit dito at ang iba pa," pambabara naman ni Ranzou at mahinang tumawa. Iba na naman siguro ang iniisip ng tokwang ito.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now