Kung siya kaya ang ipain ko sa estranghero o nilalang na umaaligid sa gubat na dumukot sa dalawang estudyante na sina Kenny at Georgia? Tignan natin kung makakapang-asar pa rin sa akin ang mokong na 'to.
Imbes na mainis ako sa mga oras na ito ay pinili ko na lang na huminga nang malalim upang kumalma.
"Kung gan'on, pasukin na natin ang gubat na ito. Kailangan din nating mag-ingat at maging alisto sa ating paligid," sabi ko sa kanila.
"Maaasahan mo kami sa bagay na 'yan," tugon naman ni Zoiren.
Nagsimula na rin kaming maglakad papasok sa gubat at tuluyan nang nilisan ang bahagi ng hardin sa SAU. Oras na para suongin ang misteryosong gubat na biglang lumitaw sa pangalawang araw ng aming pasukan dito sa virtual world. Oras na para hanapin ang dalawang estudyante.
============
Unknown Forest, 10:17 PM
"May nararamdaman ba kayong data energy signal sa paligid?" tanong ni Althea sa amin.
"Meron Althea kaso napakahina," tugon naman ni Emerson.
Nasa 200 metro na ang layo namin mula sa dulo ng hardin at halos nasa 17 minuto na rin kaming nagmamasid sa paligid upang hanapin ang mga haliparot--- ibig kong sabihin ang mga nawawalang estudyante ng SAU. Hindi kagaya kanina ay mas nakakaramdam na ako ng mahinang signal mula sa kanilang mga data energy. Maliban sa akin, nakakaramdam din sila Zoiren at ng iba pang beta testers ang data energy signal ngunit hindi ko alam kung nakakapansin din ba sila sa bagay na ito. Bihira lang din siguro sa ngayon ang isang ordinaryong user na makakaramdam nito... sa ngayon.
Habang naglalakad, bigla na lang mas lumakas ang nararamdaman kong data energy signal at nakaramdam ako ng pagsakit ng ulo na parang may dumaloy na kuryente o pinukpok ako ng martilyo saka nadamay pa ang kanang braso ko na tila nagmamanhid. Hindi ko alam kung may kinalaman ba ito sa paghalik ni Blaurei sa aking ilong ang nangyayari sa akin ngayon o sa gubat na tinatahak namin ngayon.
Ano ba talaga ang ginawa mo sa'kin kanina Blaurei kaya nakakaramdam ako ng ganito?
Hindi ko na lang pinapahalata ang nararamdaman ko sa aking katawan at umarte na lang na walang nagyari. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang nagliwanag ang aking palad sa kanang kamay na may kulay asul at puti gaya ng nangyari kanina sa rest room nang dumapo si Blaurei sa aking ilong. Dahil din sa kakaibang pangyayari na ito ay bigla na lang nawala ang pananakit ng aking ulo at pamamanhid sa kanang braso na tumagal lang ng tatlumpung segundo.
Napakaweirdo na talaga ang mga pangyayaring ito.
Sakto namang nasa hulihan ako ng grupo at hindi ito napansin ng mga kasamahan ko.
"Zenrie? May problema ba?" tanong ni Zoiren nang lumigon siya sa akin sa likod. Tokwa! May nakakapansin pala!
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 8: A Forest behind the Wall
Start from the beginning
