Chapter 8: A Forest behind the Wall

Start from the beginning
                                        


"Ihanda niyo na ang mga sarili niyo sa misyong ito. Sabi ni Prof. Leizuko sa kanyang mensahe kanina, kailangan din nating mag-ingat at maghanda lalo na't may isang nilalang na nagbabantay sa gubat na mismong dumukot sa dalawang estudyante. Sa puntong mapapalaban tayo pagdating sa naturang lugar, ihanda niyo ang mga sandatang binigay niya sa inyo. He's going to enable the other features of our weapons and we're going to equip it now as what he said on the message," paliwanag ko sa kanila dala ng pagbitaw ko ng mga paalala.


Tumingin ako saglit kay Ranzou at napangisi. Oras na para magnining ang bituin niya sa unang bahagi n gaming misyon.


"Ranzou, humanda ka na sa gagawin mo para sa unang bahagi ng plano at iyon ay ang lituhin ang gwardyang sinabihan mo ng pepperoni," sabi ko sa kanya.


Lumapit naman si Ranzou sa akin. "Eh Zenrie... sa katunayan hindi ko nakita ang gwardya rito sa may tarangkahan ng hardin," sabi niya sa akin.


"Eh nasaan pala?" pagtataka ko.


Bigla na lang kaming nakarinig ng nakakabulahaw na sigaw mula sa napakapamilyar nan a babaeng tila hinahabol ng halimaw. Talagang nakikilala ko ito nang dumaan siya sa harapan namin kasama ang gwardyang may hawak na batuta.


"Help meeeeeeeeee!" sigaw ni Analiz na naloloka.


"Hindi ba't sabi kong bawal pumasok sa hardin sa ganitong oras? Humanda ka sa'kin bata ka!" bulyaw naman ng gwardya sa kanya hanggang sa tuluyan na silang nawala sa aking paningin.


Wew! Ito talaga ang napapala sa gaya niyang tokwa.


Muli na naman akong tumingin kay Ranzou at ngumisi sa kanya ulit. "Mukhang hindi mo na kailangan maging pain sa gwardyang tinawag mong pepperoni ah. Looks like someone replaces you to do that job," sabi ko sa kanya.


Ranzou sighs in relief. "Mabuti na lang at nakaligtas ako sa bagay na 'to. Kaya ano pang hinihintay natin? Tara na at pasukin na natin ang hardin at suongin ang misteryosong gubat!" masiglang saad niya.


Inilabas na rin ng iba ang kanilang mga sandata bago pa man kami pumasok. Lumalalim na rin ang gabi rito sa virtual world kaya kailangan na naming magmadali. Binuksan ko na rin ang tarangkahan at nagsimula na kaming pumasok papunta sa dulo ng hardin. Tumigil kami sa naturang lokasyon at kapansin-pansin talaga ang nakita kong puno ng balete sa kinatatayuan ng pader kaninang umaga. Huminga muna ako nang malalim upang maibsan ang nararamdaman kong kaba sa misyong ito. Buong tapang namin itong haharapin at naniniwala akong magiging matagumpay ang misyong ito.


"Handa na ba kayo sa misyong ito?" tanong ko sa kanila na may determinasyon sa aking tono.


"Handang-handa na!" buong tapang nilang tugon.


"We're ready Commander K--- Zenrie!" masiglang saad naman ni Ranzou na muntik nang banggitin ang kinaiingatan kong pseudonym. Mukhang nagsisimula na naman siyang asarin ako sa sitwasyong ito ah. Hindi porke't si Analiz ang nagiging pain sa gwardya ay puwede na niya akong asarin sa bagay na ito.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now