Chapter 8: A Forest behind the Wall

Start from the beginning
                                        


"Pasensya na nagbibiro lang ako," paumanhin niya. "Pero maiba tayo Zenrie. Napapansin mo rin bang magkakonekta rin ang mga teorya natin sa mga sinabi ni Prof. Leizuko?"


"Iyan din mismo ang naiisip ko ngayon Zoiren," saad ko.


"It's possible that the systems have already detected the anomalies and their data energy signals according to our theories and his statement. Pero sa usaping kakaibang nilalang na umaaligid sa gubat at dumukot sa dalawang estudyante? Ibang usapan na 'yan," dagdag naman ni Zoiren sa kanyang mga paliwanag. Mukhang nakabawi siya agad sa biro niya.


"Sinabi mo pa."


Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa harapan ng hardin at saktong namataan namin silang tatlo sa lilim ng puno lalong-lalo na si Ranzou na nakasuot ng maroon shirt at gray checkered pedal shorts. Agad naman kaming nilapitan ni Ranzou at nagsitayuan naman sila Emerson at Althea. Kanina pa siguro sila naghihintay sa lugar na ito.


"Mabuti na lang at nakarating na kayo Zenrie. Ano bang ginagawa niyo roon sa gusali ng Education and Law Department?" pambungad na tanong sa akin ni Ranzou. Bakas din talaga sa mukha niyang kanina pa talaga naghihintay sa amin. Eh paano naman kami na halos 47 minuto nang naghihintay sa kanila aber?


Mabuti na lang at hindi siya lumiban sa misyong ito at talagang pipingutin ko ulit ang tainga niya kagaya noong nahuli ko siya sa isang computer shop dati.


"Nagpalit lang ako ng damit sa rest room at sakto namang nagkita kami ni Zoiren sa labasan ng gusali. May pinag-uusapan lang kami habang naghahanap ng mga palatandaan habang naglalakad kami papunta rito ngunit wala kaming nakitang iilang bakas ng dalawang estudyante," paliwanag ko sa kanya.


"Tama si Zenrie, walang kaming nakikitang bagong palatandaan sa paligid at tanging pang-ipit lang sa buhok ang hawak nating ebidensya sa ngayon," dagdag naman ni Zoiren.


Lumapit naman si Althea sa aming kinatatayuan. "Pambihira. Sa mga paliwanag niyo mukhang sa shortcut sila dumaan na matatagpuan sa gymnasium. Kahit gan'on ay nagiging mapanganib pa rin ito para sa kanila lalo na't hindi nila alam ang mga pasikot-sikot sa virtual world kahit SAU pa ito."


"Exactly Althea," pagsang-ayon naman ni Emerson.


Agad kong isinara ang message window at binuksan ang aking avatar settings upang ilabas ang isang espada na ginamit ko kahapon sa gymnasium. The black belt was tied around my waist along with my sword on the sheath. Gaya nga ng dati ay isa lang ang ilalabas at gagamitin kong espada at baka malaman ni Zoiren at ng babaeng 'yon na ako ang Black Navillerian Angelus. Dual wielder pa naman ang alter-ego ko.


Nagtataka tuloy si Ranzou nang ginawa ko ang bagay na ito.


"Sandali lang Zenrie, bakit mo naman inilabas ang espada mo?" nagtatakang tanong ni Ranzou.


Pumunta agad ako sa harapan ng tarangkahan at pinagmasdan ang dulo ng hardin. Pinapakiramdaman ko rin ang kanilang data energy signals mula roon at gumuhit ang kakaibang ngiti sa aking labi nang mapansin ko ang isang puno ng balete sa kinatatayuan ng pader. Mukhang nagpapakita na ang dalubhasang gubat na sinasabi nila ngayong gabi at nawala ang pader.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now