Chapter 8: A Forest behind the Wall

Start from the beginning
                                        


It's funny to think about this but she looks like Prof. Leizuko's apprentice when it comes to virtual reality technology and mysteries.



===Zenrie===



Habang tinatahak namin ang daan papunta sa hardin ay nagmasid din kami sa paligid upang makahanap ng iba pang bakas ng dalawang estudyante bago pa man sila mawala. Ngunit sa pagkakataong ito ay bigo kaming makahanap ng mga panibagong clue. Tanging pang-ipit niya lang sa buhok ang nakita namin sa hardin na nagsisilbing ebidensya ang hawak namin ngayon kahit masagwa sa aking mga mata ang kulay.


Binuksan ko na lang ulit ang aking student's window at binuksan ang ipinadalang mensahe ni Prof. Leizuko na hindi ko nabasa kanina. Abala kasi kami sa kuwentuhan namin ni Zoiren kaya nawala tuloy sa isipan ko 'to. Agad naman niyang napansin ito kaya napatanong siya sa kung ano ang nakasulat mula rito.


"Anong sabi niya sa window mo? Tungkol ba 'yan nangyayari sa virtual world?" tanong sa akin ni Zoiren.


Dalawang beses akong tumango sa kanya na nagsasabing tama ang hula niya. Ipinakita ko na rin sa kanya ang nakasaad na mensahe sa window ko.


[Mag-ingat kayo sa pagpunta niyo sa gubat. Maaaring nandoon pa sila at nasasagap pa rin ng systems ang kanilang data energy signals, pero may nakaabang na panganib sa lugar na 'yon lalong-lalo na na't may isang 'di kilalang nilalang ang umaaligid doon. Hindi ko rin alam kung paano nagkaroon ng ganoon sa virtual world at iniimbestigahan namin ito ngayon. Sa tingin ko'y may dalubhasang palihim na kumukontrol sa systems gaya ng isa ng bug. Tanda mo 'yong nakalagay na game stats sa iyong student's window? 'Yon din ang nangyayari ngayon d'yan.


Kung nasubukan niyo nang gamitin ang mga bigay kong armas, mas mabuti 'yon. I'm going to enable the other features of your weapons to use in case when you're in danger while saving them in the virtual world so that they could log out.


The government institutes don't know this as for now, but you have to hurry before the time runs out. I'm counting on you to lead your comrade Zenrie. ~Prof. Leizuko]


Ito rin ang mga sinabing paalala ni Blaurei sa akin bago pa man ako lumabas sa rest room. Talagang magkakonekta pa talaga ang lahat ng sinabi niya sa mensahe ni Prof. Leizuko.


Sabi na nga ba. Mukhang alam na rin ni Prof. Leizuko ang mga nangyayari sa virtual world at sa aming student's window. Sa katunayan, hindi ko pa rin maipaliwanag ang mga nangyayari sa tinatawag na virtual world kidnapping maliban na lang sa mga napupuna naming teorya tungkol dito. Siguro nga napansin na niya ang mga kaganapang ito nang sinuri ng Siriuka-07253 Supercomputer ang systems ng virtual world.


Malakas din ang pakiramdam kong may isang dalubhasa ang palihim na kumakalikot dito.


"Dinaig pa talaga ni Prof. Leizuko ang mensaheng pinadala sa MMK ah," pabirong saad ni Zoiren.


Siniko ko na naman siya sa pangalawang pagkakataon dahil sa munting pambabara niya.


"Baka (Stupid)!" naiinis kong bulalas sa kanya. Ewan ko lang kung matatawa ako o sasapakin ko na talaga siya nang tuluyan.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now