SAU Flower Garden 09:45 PM
Dinala agad ako ng systems sa harap ng SAU Flower Garden at saktong nakita ko agad sila Emerson at Althea habang nakaupo sa lilim ng puno. Nakasuot si Althea ng kulay mustard na ¾ sleeved shirt at ang kulay abong skinny jeans saka snickers. Habang si Emerson naman ay kulay army green na t-shirt at pedal na kulay dark brown pati rin rubber shoes. Sandali lang, saan ba siya sasayaw sa suot niyang 'yan? Mukha kasi siyang isang miyembro ng dance crew.
Pero pinagtataka ko lang na kulang pa kami. Nasaan na ba sila Zoiren at Commander Zenrie?
"Ranzou! Good thing you're here," bati sa akin ni Emerson habang papalapit ako sa kanila. "Akala ko tatakas ka na naman para sa misyong ito gaya noong may group activity at party arena dati."
Nagawa pang tumawa si Emerson sa akin kasabay ng kanyang munting pang-aasar. Minsan talaga sinusumpong din ang mokong na 'to at kung makapang-asar parang commander namin na si Zenrie.
"Ba't naman ako tatakas ngayon? Eh napakaimportante ng misyon natin lalo na't tungkol ito sa kalagayan ng virtual world na kaso. Sigurado rin akong nalaman na rin ito ni Prof. Leizuko," saad ko saka tumabi sa kanila sa lilim ng puno.
"Sigurado rin ako. They're going to find out when the supercomputer detected any anomalies in the systems. Kagaya na lang ng ginawang pagsusuri nito sa beta test na nagsasabing walang depekto ang Virtualrealmnet at ang alternatibong mundo na ginagalawan natin ngayon," sabi naman ni Althea habang inaayos niya ang kanyang manggas.
Puputulin ko na muna ang aming usapan tungkol sa mga misteryo ng virtual world nang mapansin kong wala pa rin sila Zoiren hanggang ngayon.
"Maiba nga tayo. Nasaan ba sila Zoiren at Commander Zenrie?" tanong ko sa kanila habang pinagmasdan ko ang paligid.
"Parating na sila rito Ranzou. May pinupuntahan lang sila saglit sa gusali ng Education and Law Department," sagot naman ni Althea.
Ano naman ang gagawin ng dalawang 'yon sa naturang gusali? Huhulaan ko, may napapansin na naman si Zenrie sa loob o baka naman may pinag-uusapan lang sila ni Zoiren. Ewan ko sa dalawang 'to pero magkakasundo talaga sila tungkol sa mga usaping misteryo, imbestigasyon at sa manunulat na si Luna Cirea. 'Yon nga lang hindi sa virtual identity dahil hindi pa rin alam ni Zoiren ang tungkol sa kanya bilang top rank player. Inaasar ko nga si Zenrie sa pamamagitan ng pagbanggit sa kanyang pangalan na ginagamit sa laro maliban sa alyas niyang Black Navillerian Angelus pero hindi sa sitwasyong may makakasama kaming tao o player na hindi pa alam ang alter-ego niya. Dahil doon minsan na akong pinagalitan nina Althea.
At tungkol naman sa aming commander, hindi ko maiwasang mapansin sa kanya ang pagiging interesante sa kasong ito kahit nasasagwaan siya sa mga magjowang panay ang PDA sa campus. Kahit ako rin ay nasasagwaan sa mga 'yon at kulang na lang batuhin ko ng hollow block. Para sa kanya, siguro hindi ito dahil sa mga nawawalangng estudyante kundi tinitignan niya kung anong nangyayari sa loob ng virtual world at iniisip ang kapakanan ng mga inosente.
Masasabi ko ring hindi talaga siya isang ordinaryong estudyante na mahilig at eksperto sa teknoohiya. Mahilig din siyang mag-imbestiga sa mga pagyayari at parang pinaglihi pa siya kay Conan. Mas nagiging kakaiba siya sa mga susunod na mangyayari maliban sa mga katangiang una kong napansin sa kanya noong una ko siyang makilala.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Class Code: ERROR
Ficção CientíficaHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 8: A Forest behind the Wall
Começar do início
