Chapter 8: A Forest behind the Wall

Start from the beginning
                                        


"Biro lang Zoiren," sabi ko at humingi ng paumanhin sa kanya. "Kaloka siya ah!"


"Talagang nakakaloka."


"Buti pa bilisan na nating pumunta sa hardin baka nandoon na sila at hinahabol na naman ng gwardya," sabi ko sa kanya.


"O sige."


Binilisan na namin ang aming lakad bago pa man mahuli ang lahat. Baka nauna na si Analiz o may nangyayari nang kakaiba sa mga kasamahan ko. Kailangan na rin naming umaksyon bago pa man magkaroon ng isa pang biktima ang estrangherong 'yon sa gubat.



===Ranzou===


Pambihira naman 'to si Zenrie! Sa lahat ng puwedeng maging pain sa gwardyang 'yon ako pa talaga ang naisip niya sa bagay na ito.Aksidente ko lang namang nasabi ang salitang pepperoni dahil nagugutom na naman ako. Oo na, oo na. Minsan talaga pagkain at laro ang iniisip ko pero hindi sa lahat ng oras. Nagiging maalalahanin pa rin ako sa kapwa ko kahit misan kalog ako kasabay ng hindi pag-iwan sa aking mga responsibilidad sa buhay.


Ang tanging bagay na hindi ko lang puwedeng gawin ay galitin siya dahil sa totoo lang talagang nakakatakot siya kapag nagagalit at dinaig pa talaga ang isang assassin o yandere. 'Yong tipong pangiti-ngiti lang siyang walang emosyon pero sa mga mata niyang naglalagablab ay tinatarget ka na pala ng kanyang sandata. Sa ugali niyang ganito ay ito ang unang napansin ko nang una ko siyang makilala sa laro at malamang isa pala siyang solo player.


Kahit ako nakakatakot ding magalit sa tuwing may gustong manakit sa isa sa mga mahalaga sa buhay ko. Pero si Zenrie, sa dami ng pinagdaanan niya sa buhay talagang masasabi mong huwag ka magkakamaling saktan siya at talagang mahihirapan ka nang ibalik ang tiwala niya sayo.


Bago pa man akong mag-online sa virtual world ay nagpadala na ako ng mensahe kay Zoiren na susunod ako sa kanila dahil kakain pa ako. Sa totoo lang dumating sa punto ng akin isipan na lumiban sa misyon dahil sa gagawin ko, pero napagtanto kong napakahalaga pala ng susuongin namin ngayon lalo na't dalawang estudyante na ang nawawala at dumating pa sa sitwasyong mapupunta pa sa peligro ang alternatibong mundo na ginagalawan namin ngayon matapos umusbong ang pandemya.


Ayoko ring maulit 'yong panahong lumiban ako sa group activity namin at nahuli ako ni Zenrie sa isang computer shop na naglalaro. Nagtamo tuloy ako ng mapulang tainga dahil doon. Kaya ngayon ay kailangan ko nang pumunta dahil ayaw ko ring gamitan ako ni Zenrie ng kanyang pamatay na sword skill o sapak gaya ng ginawa niya sa kanyang stalker na utak biya dati. Ang sakit kaya n'on at dinaig pa ang may suot na brass knuckles.


She's not just a cool and mysterious, but she's a badass female I know especially when she switched into her alter-ego as Black Navillerian Angelus. Sinabihan na rin niya kami dati na huwag ipagsasabi ang kanyang virtual identity sa iba dahil ayaw niyang gamitin siya ulit at sirain ang tiwala. Iba rin pala kapag isa kang top rank player. Maraming gustong kumuha sa ulo mo at gawing tropeyo sa oras na mahuli ka.



======


Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now