CHAPTER FORTY

Magsimula sa umpisa
                                    

Ano ba kasing problema niya? Wala naman akong matandaan na may ginawa akong mali! Kung may problema siya, kung galit siya dapat sinasabi niya para mapag-usapan hindi iyong hindi namamansin. Napakapabebe kainis!

Nang magabi na, ay pumasok na ako sa kwarto namin at naglinis ng sarili. Gusto ko talagang magkausap na kami parang kung anong may kulang sa puso ko. Ang hirap sa pakiramdam. Nagblo-blower ako nang pumasok siya sa kwarto.

Tinapunan niya lang ako ng tingin bago dumiretso sa loob ng banyo. Nang matapos ako sa aking sarili ay nahiga na ako sa kama at hinintay siyang matapos. Lumabas siyang nakaboxer shorts lang. Pumasok siya sa closet at paglabas niya ay may suot na siyang sando. Nagblow dry muna siya bago nahiga sa tabi ko. Sa lahat ng ginawa niya ay nakatitig lang ako sa kaniya.

Umusog ako sa tabi niya at niyakap siya. Ganon ulit ang pwesto niya, nakapatong ang kamay sa braso.

"May problema ba, Rant?" tanong ko.

"Matulog ka na," sabi niya pagkatapos ay tinanggal ang braso ko sa kaniya at tumalikod sa akin.

Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Sa sobrang inis ay hinampas ko siya ng unan. Siya na nga itong inaamo kahit wala akong ginawang mali!

"Ano bang problema mo? Kahapon ka pa! Pwede bang sabihin mo sa akin, hindi iyong binabaliw mo ako kakaisip! Kung ayaw mo na edi umalis ka!"

Tumalikod din ako sa kaniya. Ayoko sanang umiyak pero kusang nagsibabaan ang mga luha ko.  Nakakainis. Hindi ako 'to. Hindi ako iyakin. I'm fierce and a strong woman. Pero pagdating sa lalaking 'to, nanghihina ako.

Rinig ko ang pagmura niya at hinila ako paharap sa kaniya para yakapin. Ngayon,yayakap-yakap ka!

"I'm sorry. I'm so sorry, babe," bulong niya at pinugpog ako ng halik sa ulo. Iniangat niya ang mukha ko at hinalik-halikan kahit na may mga luha.

Mas lalong lumakas ang iyak ko.

"Hindi mo na ba ako mahal? Ayaw mo na ba sa akin kaya ka nagkakaganyan?" tanong ko. Hindi ko yata kakayanin kung ganoon nga.

"No. No, babe. Hindi mangyayari 'yon."

Bumangon siya at hinila niya ako papunta sa itaas niya. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha roon.

"Stop crying, please. I'm so sorry. I'm just jealous." yumuko siya at namula ang kaniyang leeg.

Jealous?

"Nagseselos ako sa inyo ni Law. Hindi naman ako nakaramdam ng ganito kay King noon kaya hindi ko alam ang gagawin! Iba kasi ang closeness mo sa kaniya. Nakakaselos. Nakakatampo," ginulo niya ang buhok niya. Para siyang  batana nagtatampo. Ang mga luha ko ay huminto sa pagtulo.

"I know, it's childish that's why I'm really sorry for making you cry. I love you I will never get tired of you."

"Hindi mo ako pinansin dahil lang sa batas na iyon?" Inis na tanong ko. Si Batas lang pala ang puno't dulo ng lahat!

"Sorry."

Inilagay ko ang palad ko mukha niya. Ang cute niya magselos pero hindi nakakatuwa iyong part na hindi siya namamansin.

"Wala kang dapat ipagselos kahit kanino, Rant dahil ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang ang nasa puso ko."

"I'm so sorry," he pulled me closer to give me a kiss on my forehead.

"Huwag mo na ulit ako hindi pansinin ah?"

"Hindi na. Believe me, it was a torture for me."

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon