CHAPTER THIRTY NINE

Magsimula sa umpisa
                                    


"Hindi niya man sabihin, I know he's still longing for you. Naabutan ko siyang umiiyak hawak-hawak ang mga gamit na para sayo at picture ng mommy mo. Alam kong sinisisi niya sa pagkawala niyo. I want to end his sufferings. Please, Ate Zei, make our father happy."


Tuluyang tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko maisip na ang nakikita kong Master Vhax na malakas at makapangyarihan sa labas ay nasasaktan at nadudurog pala sa loob. Habang masaya ako sa nakagisnan kong buhay, may isang tao na sobrang nangungulila sa akin.


Niyakap ako ni Luxrine at pinatahan. Sobrang sakit ng puso ko. Kaya pala magaan ang loob ko kay Master Vhax dahil siya ang totoo kong ama. Nang tumahan ako ay tiningnan ko si Luxrine. Pinunasan rin niya ang mga luha niya.


"Ibibigay mo talaga sa akin lahat?" tanong ko ulit sa kaniya. Iba kasi ang napapanood ko sa mga nobela. Iyong iba kasi ay nakikipag-agawan talaga at wala akong balak gawin iyon.

"It's yours in the first place, Ate." Ngumiti siya ulit sa akin. Ako naman ang humawak sa kamay niya ngayon.

"Your still my father's daughter at kapatid na rin ang turing ko sayo."

"Salamat, Ate. Pero gusto kong maranasan ang totoong ako. I want to be with my family," yumuko siya. "Now that you're here, I'm already free. Hindi na magpapanggap si Kuya. Makakasama rin ako sa kanila."


Napakunot noo naman akong napatingin sa kaniya. Hindi ko siya maintindihan. Alam ba niya kung sino ang totoo niyang pamilya?

"Anong ibig mong sabihin?" tanong  ko.


"I'm Luxrine Dazie Miuller. Bunso akong kapatid nila Kuga Luxrae," sabi nito kaya muntikan na akong mapanganga. Seryoso? Walang sinabi si Luxrae sa akin! Ang dami naman pala niyang kapatid!

Napansin niya yatang nagulat ako sa sinabi niya. Sino bang hindi magugulat? Parang ang dami nang sikreto na nabubunyag.

"I guess, hindi sinabi sayo ni Kuya Luxrae. Maliban sa kaniya, sila Dad, Madame Scarlett at Tito Reor lang ang nakakaalam."


"P-paano? Bakit?" naguguluhang tanong ko.

"Plano ito nila Kuya Luxrae at Dad. Since nawala ang asawa ni Dad at kayo, nasa panganib ang buong angkan, ginamit nila ako para malinlang ang kalaban na buhay ka pa. Maslalo silang sasaya kapag nalaman nilang lahat ay tuluyang nawala kay Dad at madali lang kaming pabagsakin. At namatay rin sila Mama at Papa, bata pa si Kuya para maalagaan ako kaya kinupkop ako ni Dad. Though not legally, I'm still a Miuller. Pinalabas lang nila na Belzer akp kahit hindi," pagkwekwento niya. Nanatili lang akong nakinig sa kaniya dahil wala rin akong masabi.

"You know what, Ate Zei, noong nalaman ko ang lahat, nagtampo ako. Siguro, nagalit din. Pero napag-isip-isip ko, wala naman dapat akong ikagalit instead I should be grateful. Minahal ako ni Dad at pinaramdam sa akin ang pagmamahal ng isang magulang, nakasama ko rin sila Kuya Luxrae at Kuya Luxrill, lumaki akong maayos at masagana ang buhay. Wala akong mairereklamo, I have everything I need in my life. And I think, it's time to give back."

Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon