"Bakit?" nag-aalang tanong ni Zoiren.
"May ipapaliwanag ka talaga sa akin mamaya Zoiren," saad ko sa kanyang walang emosyon. "Bilisan na natin at baka maabutan pa tayo ng mga kaklase mo!"
Agad akong tumakbo papunta sa sandanas ng hagdan at tumalon kasabay ng pagdulas ko pababa. Nang makarating ako sa dulo ay agad akong tumalon at lumapag nang maayos sa sementong bahagi ng daanan. Ngayon ko lang ulit ginawa ang bagay na 'to.
Sumunod naman si Zoiren sa akin at ginaya pa ang aking ginawa. Kaso nga lang pagdating niya pababa ay nawalan siya ng buwelo at tumama pa sa flagpole. Para na ngang niyakap na niya ito at mas malala pa'y mukha pa talaga ang unang tinamaan. Ang sakit n'on kung nasa tunay na mundo pa ito nangyari.
Gustuhin ko mang tumawa ay pinili ko na lang na hilain siya at sabay kaming kumaripas ng takbo. Hindi na rin nakaabot sila Alwyn at Dezmund dahil sa sobrang bilis naming makatakas. Kakaiba rin dahil napapansin ko na namang mas bumilis ang takbo namin mula sa normal na bilis sa tunay na mundo.
Dumaan kami sa gusali ng Education and Law Department upang madali kaming makarating sa university gymnasium. This is an easy shortcut to get there. Nang makarating din kami sa may labasan ng naturang gusali ay sakto namang inabutan kami ni Althea.
"Sakto naman at nakita ko kayong dalawa. Hinihintay na rin kayo nina Ranzou at Emerson sa loob ng gymnasium at kailangan niyong magmadali," sabi sa amin ni Althea.
"Hulaan ko, tungkol ito sa mga question mark sa item vault?" tanong ko sa kanya.
"Tama ka at kailangan na nating magmadali."
Tumakbo agad kami papuntang gymnasium at pumasok nang mabilis. Sinisigurado ko ring walang sumusunod sa amin kaya nagmasid na muna ako saglit sa paligid at sa kabutihang palad ay walang isang tao ang nakamasid. Isinara na rin namin agad ang malaking pinto ng gymnasium upang walang makapasok na iba.
Namataan agad namin sila Ranzou at Emerson sa upper benches na nakaupo at tinignan ang kanilang student's window. Bakas din sa kanilang mga reaksyon ang pagdiskubre sa mga bagay na dapat naming pag-usapan sa mga oras na ito.
"Ranzou! Emerson!" tawag ko sa kanila.
"Sakto lang ang pagdating niyo Zenrie," malakas na sabi ni Ranzou. Agad silang pumatong sa railings at tumalon papunta sa aming kinatatayuan. Para silang mga ninjang lumilipad sa ere at lumapag nang mabilis. Mukhang hindi lang ako ang nakakapansin ng kakaibang nangyari sa katawan ko simula noong sinagip ko si Ellah noong beta test at talagang napakaweido ng pakiramdam na 'to sa virtual world.
"We're having an emergency that's why I tried to call you earlier," sabi naman ni Emerson. "Pero alam niyo na yata siguro kung ano ang pinapahiwatig ko sa inyo."
"Mukhang ganoon na nga," sabi ko.
Tama nga si Zoiren. Siguro hindi lang kami ang nakakakita ng ganoong bagay sa aming item vault at napasama rin sila Althea sa bagay na ito. Hindi ko rin alam kung pati rin ba ang ibang estudyante ay nakakapansin o nakatanggap sa bagay na ito. Ano naman ang meron sa mga 'to at bigla na lang sumulpot sa mga item vault namiin sa student's window?
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 6: Mysterious Items and Mysteriously Kidnapped
Start from the beginning
