"Mukhang kakaibang usapin talaga 'to Zoiren," sabi ko sa kanya. "At tama ba 'yong narinig ko kanina mula sayo? Isang tandang pananong sa item vault slot ang basta na lang sumulpot?"
"Oo Zenrie."
Binuksan ko na rin ang aking student's window upang tiyakin kung may ganoon bang nakalagay sa aking item inventory slots. Nagulat na rin ako nang makita kong may dalawang tandang pananong ang tumambad sa aking mga mata at sa parehong dahilan ay nagtataka ako. Paano naman nagkaroon ng ganito sa student's window ko? Hindi naman siguro ito isang bug gaya nitong nakaraan. Ang pinag-aalala ko rin ngayon ay paano kung pati ang mga karaniwang estudyante ay nagkakaroon ng ganoon sa mga student's window nila. Sana man lang ay wala silang makikitang ganoon.
Tumingin na muna ako sa aking paligid upang tinitiyak kong walang me isang estudyante ang makakarinig sa ganitong usapang tanging mga beta testers ng SAU lang ang nakakaalam. Mahirap na kung may iba pang nakakaalam at kung ano pa ang kakalikutin nila sa kanilang student's window. Ngunit nang lumingon ako sa kanan ay namataan ko ang dalawa niyang mga kaklaseng hinahanap din siya at agad ko siyang pinaaalahanan.
Hindi ko rin akalaing may pagkamadaldal din pala itong si Zoiren sa klase nila at pati ang pagiging beta tester niya ay pinag-alam na sa iba. Muntikan ko na talaga siyang batukan sa bagay na ito.
"Huwag tayong mag-usap dito. Mas mabuti pang doon tayo sa university gymnasium mag-usap dahil walang taong nakatambay roon at hinding-hindi nila tayo madaing makita roon," pabulong kong sabi sa kanya.
"Sigurado ka ba Ze---" Bago pa man siya makapagpatuloy sa kanyang pagsasalita ay agad ko na siyang hinila papalabas ng library ng maingat saka bumaba ng hagdan papunta sa pangalawang palapag.
"There's no time to explain Zoiren," sabi ko sa kanya.
Dali-dali kaming tumakbo papunta ng open hallway sa Arts and Sciences Department ngunit bigla na lang kaming inabutan ng kanyang dalawang kaklaseng humahabol sa kanya. One of the guy is skinny and has an army cut hair and the other one has a hairstyle for a prescribe student in 2x3 haircut and a little bit stout with a white skin.
"Huy Desmund, hindi ba't si Zoiren 'yon? Bakit kasama niya ang astiging bookworm na si Zenrie?" rinig kong tanong niya sa kanyang kasamahang naka-army cut sabay turo sa amin dalawa. Kahit pa nasa sampung metro pa ang layo nila ay naririnig ko pa rin ang kanilang mga boses. Mukhang mas tumalas nga ang pandinig ko rito sa virtual world.
"Hindi ko alam, baka pati rin siya ay isang beta tester na kasama niya Alwyn," saad naman ni Dezmund.
Hindi ko akalaing kilala rin pala ako ng mga 'to. Baka naman ikinuwento rin ako ni Zoiren sa kanila at sinabing isa rin ako sa mga beta tester. Pinaalalahanan pa naman ni Prof. Leizuko na huwag itsismisn'to sa iba at baka mapunta ka pa sa panganib. Hay naku!
Nagkatinginan kami ni Zoiren na tila nakikipag-usap kami mata sa mata. Nagkasalubong ang mga kilay ko kasabay ng walang emosyong tingin. Para bang ano-na-naman-ang-sinabi-mo na tingin ang binigay ko sa kanya.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 6: Mysterious Items and Mysteriously Kidnapped
Start from the beginning
