Chapter 5: A Night Before Class

Start from the beginning
                                        


Parang tanga lang kung makikipag-usap sa isang paruparo ano?


Habang pinagmamasdan ko ito ay bigla na lang din akong nakarinig ng isang munting boses ng isang batang babaeng malapit sa aking kinatatayuan.


"Ano ka ba? Walang shinigami rito sa virtual world noh! Depende na lang kung nilagay din ito sa systems," sabi ng munting boses.


Agad akong nagtaka kung saan ba nanggaling ang boses na 'yon. Sinuyod ng aking mga tingin ang aking paligid at wala naman akong ibang kasama rito kundi ako lang at ang munting asul na paruparo sa aking kamay. Siguro imahinasyon ko lang 'yon na may biglang nagsalita. Wala ring multo rito sa virtual world kung tutuosin.


"Sino ba 'yong nagsasalita?" tanong ko habang lumilingon ako sa aking paligid.


Sumagot naman ang munting boses na narinig ko kanina lang.


"Nandito ako! Malapit na malapit lang sayo!"


"Saang malapit naman ang sinasabi mo?" dagdag ko at sa pagkakataong ito ay medyo kinakabahan na ako.


"Hay naku! Ikaw pa nga ang unang kumausap sa akin tapos hindi mo alam kung kaninong boses 'to. Tumingin ka kaya sa kamay mo," nalolokang sabi nito.


Malapit lang at nasa kamay? Tama ba ang narinig ko?


Tumingin nga ako sa aking kanang kamay na kung saan nandito pa rin ang asul na paruparo. Pinagmasdan ko ulit ito ng mabuti at inusisa kung tama ba ang nasa isip ko ngayon. Naku, sana man lang hindi ito isang malaking kalokohan.


"Ikaw ba ang nagsasalita?" tanong ko ulit sa asul na paruparo.


Walang anu-ano'y bigla na lang itong sumagot sa aking tanong na agad kong kinagulat.


"Ako lang at wala nang iba pa," masayang sabi nito.


I gasp and drop my jaw when I find out that the little voice I heard came from this little creature. Anak ng tinapang giliw! Paano naman nangyari ang bagay na ito? Prof. Leizuko baka may inilagay ka yatang isang paruparong nagsasalita rito sa virtual world at parang stalker kung makasunod sa akin. Dinaig pa talaga si Sack sa mga galawang ito.


"Ano?! Ikaw pala 'yon?" nagugulat kong saad.


"Oo ako nga," sagot niya.


Sinampal ko ang aking sarili sa kaliwang pisngi ng dalawang beses upang malaman kong hindi ba ito totoo. Ngunit hindi talaga, totoong-totoo na talaga ang nakikita ko sa virtual world. Mas nakakatakot kung sa tunay na mundo ito nangyari at baka shinigami na 'yong kakausap sayo.


"Tigilan mo nga 'yan Zenrie mukha kang shunga sa ginagawa mo," saad nito sa mababang tono.


"Pasensya na," mahinang saad ko at muling itinuon ang aking atensyon sa nagsasalitang asul na paruparo. Lumipad ito sa aking harapan at saka nagsalita ulit.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now