Chapter 5: A Night Before Class

Start from the beginning
                                        


Nakakatuwa ring pagmasdan na maliban sa mga bituin sa langit ay nagsulputan ang mga kakaibang alitaptap sa school ground at para silang mga butuin na pumapalibot sa aming dalawa. Sa tunay na mundo ay bihira na ang mga ganitong nilalang dahil na rin sa unti-unting pagkasira ng mga kagubatan. Pero nakakatuwa dahil nakikita rin namin ang mga munting nilalang na ito sa isang alternatibong mundo.


Baka maliban sa mga alitaptap ay bigla na namang sumulpot ang asul na paruparo sa kinatatayuan namin.


Maya-maya pa'y nakaramdam na ng antok si Mimi sabay unat ng kanyang katawan. Tumingin siya sa akin at nagpaalam na.


"Oras na siguro para matulog tayo at magpahinga para sa klase natin bukas ng umaga. Huwag ka nang magpuyat dahil sa kaiiyak Riri ah," paalala naman ni Mimi sa akin at ngumiti.


Tumawa ako ng mahina sa mga sinabi niya sa huli at saka tumingin ulit sa kanya. "Hindi na ako iiyak sa gabi Mimi. At isa pa kailangan ko pang gumising ng maaga para tumulong kay Tita Tory bago mag-log in."


"Oo nga," sabi niya. "Goodnight Riri and sweet dreams."


"Same to you Mimi."


Binuksan na nga niya ang kanyang student's window at saka nag-log out na. Ako na naman ulit ang naiwang mag-isa rito sa school ground habang pinapakiramdaman ang malamig na hanging humahaplos sa aking balat at tinatangay ang iilang hibla ng aking buhok. Huminga rin ako ng malalim habang pinagmasdan ang mga alitaptap at ang buwan sa kalangitan.


"Napakaganda talaga rito."


Sa hindi inaasahang pangyayari ay sumulpot na naman ang isang asul na paruparo sa aking harapan at sa pagkakataong ito ay mas nagliliwanag pa ang kanyang mga pakpak. Ito rin ang parehong paruparong sumulpot sa aming beta test na pangalawang beses na ring dumapo sa akin. Hindi ko alam kung matatakot na ba ako dahil sa iniisip ko o magtataka kung bakit ako lapitin ng mga paruparo kahit nandito pa ako sa virtual world.


Dumapo na naman ito sa aking kanang kamay at pinagmasdan ko ito. Mas gumaganda pa lalo ang kanyang mga pakpak at para na itong kumikinang na bituin sa langit. Kakaiba rin pala ang isang 'to dahil maliban sa lumiliwanag ang kanyang mga pakpak, malalaki rin ang mga 'to gaya ng isang mariposa. Mistula itong isang maliit na diwatang nagpapahinga sa aking mga kamay at mas lalo pa akong namangha sa nilalang na ito. Kakaiba rin ang aking pakiramdam dahil mas gumaan at lumalakas pa ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.


Dahil ako na lang din ang mag-isa rito ay pwede ko na sigurong kausapin ang munting nilalang na 'to.


"Hello little fella," masayang sabi ko. "Mukhang napapansin ko na ang laging pagpapakita mo sa akin sa alteratibong mundo simula pa noong beta test ah. Siguro naman ay hindi pa ako sinusundo ng isang shinigami rito dahil sa naghihingalo na ang puso ko sa mga nangyayari. Ano ba ang sadya mo sa 'kin at lagi kang nagpapakita sa 'kin?" Hindi ko na rin maiwasang mapatanong kung ano ba talaga ang dahilan ng pagbisita niya. Lagi kong ginagawa ito noong bata ako na kung saan sa tuwing makakakita ako ng paruparo o iba pang hayop at insekto ay kinakausap ko sila. This is the only way to release my stress and sadness I feel inside every time I am alone.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now