Chapter 5: A Night Before Class

Start from the beginning
                                        


Makulit lang 'tong si Mimi pero nakakatakot siya kapag nagagalit gaya ni Ranzou. Pero mas malala siya dahil sa isang sabunot lang mababawasan na ang kakapalan ng buhok sa sinumang makakaaway niya. Pero kapag ako naman ang maiinis o magalit, talagang didistansya na siya o ang ibang tao. Para raw akong isang assassin na sa isang kindat lang ay masasaktan ka talaga nang sobra o mas malala pa'y pagpipira-pirasuhin na ang katawan mo sa isang wasiwas lang ng espada. 'Yon ang sabi nila.


"Ewan ko rin talaga kung bakit na lang siya naging ganoon nang malaman niyang may itinatago palang mana si mama para sa amin. Mapapansin mo talaga sa kanyang hindi pag-ibig ang habol niya kundi luho. Nakakainis talaga ang mga taong may ganoong pag-uugali," naiinis kong saad.


"Sinabi mo pa. Pero alam mo, naaawa ako sa papa mo dahil naging under-de-saya siya dahil sa mga kalokohan ng mag-inang 'yon sa pamilya mo kasama na ang paghataw sayo ni Arman ng PVC pipe sa braso at sa iba pang katawan. Ang sakit kaya n'on at baka 'yon pa ang magiging dahilan sa paglala ng kalagayan mo. Mas malala pa sa hazing gaya ng iniisip ko," mahinahong sabi ni Mimi.


Ibinaba ko muna nang bahagya ang aking suot na jacket at tinignan ang aking kanang braso na kung saad ako pinalo at nakita kong normal lang ang kalagayan nito sa virtual world pero hindi sa tunay na mundo. Matagal ko na ring iniinda ito simula pa nitong nakaraang linggo pero nasasanay na akong damhin ang sakit gaya ng mga pasang natamo ko. Isinuot ko ito ulit at muling pinagpatuloy ang pag-uusap namin.


"I miss the old version of him before my mom died Mimi. Pero kahit ganoon kailangan pa ring magpatuloy sa laban ng buhay at huwag sumuko."


"Tama ka," sabi niya.


Itinapik niya ulit ang aking kanang braso at nakangiting tumingin sa akin. Hinimas niya agad ang aking likod at sinasabi ng kanyang mga mata na malalagpasan din ang pagsubok na ito basta magdasal at magtiwala.


"Lahat ng bagay ay may katapusan Riri gaya ng bagyong namiminsala sa isang lupain. Hindi ito magtatagal at dadaan lang ito hanggang sa muling sisikat ang araw. Isipin mo na lang kung paano mo siya matutulungang makatakas sa sumpang hatid ng pugitang 'yon at makamit ang hustisyang hinahanap mo."


"Mimi..." mahinang usal ko sa kanyang pangalan.


"Hindi pa huli ang lahat upang masimula ulit kasama si Tita Tory at nakawala ka sa mga galamay ng pugita't pusit na parehong nakakabwisit. Kahit na anong mangyari ay nandito lang kami para sayo. Masaya ako dahil nakauwi ka na rin sa bahay niyo sa Lotus Street," sabi niya na pinapalakas ang aking loob.


Ngumiti ulit ako sa kanya at saka tinapik ang kanyang kaliwang balikat. "Thank you. You always got my back."


"No problem Riri," nakangiting sabi nito.


Tumayo na kaming dalawa at saka bumaba mula sa bench. Pumunta kaming dalawa sa school ground at pinagmasdan ang kaliwanagan ng buwan at bituin sa langit. Sa mga oras na ito ay malapit nang mag alas onse at nandito pa rin kami sa virtual world namamasyal. Gusto na muna naming sulitin ang mga oras na ito bago pa man magsimula ang klase bukas. Tinuruan ko na rin siya kung paano buksan ang student's window at kung anu-ano pang mga dapat gawin kapag nasa loob ka ng virtual world.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now