"Ok Riri sandali lang."
Narinig kong inilapag niya muna ang kanyang phone sa kung saan man at kumuha pa ng pwedeng sulatan sa mga sasabihin kong hakbang. Bilang isa ring beta tester ay hindi mo rin dapat ipagdamot sa iba ang nalalaman mo pero 'yong mga bagay lang na kung paano ito gamitin at hindi 'yong natuklasan mo sa student's window nitong biyernes sa beta test na hanggang ngayon ay napapaisip ako kung paano sumulpot ang mga game stats sa avatar settings.
"Nakakuha na ako ng papel at ballpen dito kaya pwede mo nang sabihin sa akin kung paano," sabi ni Mimi.
"Ok Mimi," sabi ko sa kanya at sinimulan na ang pagbibigay ng mga hakbang. Since I got the special edition design of the Virtualrealmnet, I can still remember on how a power button looks like on the beta test. "Ang una mong gagawin ay pindutin ang isang buton na nasa ibabaw ng mala-glass screen protector sa harap gaya ng isang karaniwang helmet na ginagamit ng mga motorista. Malalaman mong umandar na 'yan kapag umilaw ito sa kulay puti at dapat isinuot mo na ito. Tapos maghihintay ka ng sampung segundo dahil nasa proseso pa ang mga nakapaloob na software ng Virtualrealmnet. In other terms it's in the loading process. At kapag natapos ang sampung segundo ay banggitin mo ang mga salitang 'cyberus synch' at makakapasok ka na sa virtual world. Make sure that you have to close your eyes and relax your body and mind when you are using this gadget."
"Whoa! Ang dali lang palang gamitin 'to Riri pero medyo kinakabahan ako ng konti para bukas," namamanghang sabi ni Mimi na sinamahan pa ng maikling tawa.
"Huwag kang kabahan Mimi nandito naman ako. Gusto mo bang subukan ngayon ang bagay na 'to?" pagpapaalala ko sa kanya at isiningit ko kaagad ang isang tanong.
Huminto muna saglit si Mimi upang makapag-isip at kinalauna'y napapayag ko rin siya. Kahit siya ay gustong subukan ito at naging interesado pa sa bagay na ito lalo na't walang mangyayaring social distancing sa virtual world kaya pwede niya akong kurutin sa pisngi o bigla na lang akong sunggaban na parang daga sa bahay.
"Yes sure but you must also log in to the virtual world too. Alam kong marami kang ikukuwento sa akin 'pag nagkita tayo roon," nasasabik na sabi ni Mimi.
Napangiti ako sa mga sinabi niya. Kahit dalawang araw na ang lumipas ay namimiss ko na siya kahit sa selpon ko lang siya nakakausap. Ngayong nakatanggap na rin pala siya ng Virtualrealmnet at pwede na kaming mag-usap na walang isang metrong patakaran sa virtual world. Nasasabik na rin akong makita siya ngayon kahit sa isang alternatibong mundo lang kami magkasama.
"Oo at marami pang mga bagay akong ikukuwento sayo," nakangiting sabi ko. "Magkita tayo sa open bench ng Arts and Sciences Department building ngayon at mag-lo-log na ako."
"Ok Riri hintayin mo ako sa virtual world," sabi niya saka binaba na ang tawag.
Matapos kaming mag-usap sa phone ay agad kong isinuot ang aking Virtualrealmnet at pinindot ang power button na may paruparong disenyo. Humiga na ulit ako at naghintay ng sampung segundong pagproseso nito. At nang matapos ang sampung segundo ay huminga ako nang malalim kasabay ng pagpikit ng aking mga mata saka binanggit ang dalawang mahihiwagang salita upang makapasok ka sa isang alternatibong mundo.
ESTÁS LEYENDO
Class Code: ERROR
Ciencia FicciónHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 5: A Night Before Class
Comenzar desde el principio
