Chapter 5: A Night Before Class

Comenzar desde el principio
                                        


Humiga na ako sa kama sabay kuha ng aking smartphone at sakto namang may tumawag sa akin. I type a pass code on my smartphone to open it. Pagkatapos ay tumambad sa akin ang mga numero nina kuya at Mimi. I receive a text message from my big brother while I have a missed call from Mimi. Una ko munang binuksan ang text ni kuya at napangiti naman ako sa kanyang sinabi.


[Hope you like the new smartphone we bought for you himouto-chan (little sister). Tatawagan kita bukas pagkatapos ng klase mo. Ingat ka lagi r'yan. ~Kuya Lenard]


Halos tatlong linggo ko na rin siyang hindi nakakausap dahil sa pagiging abala ko sa klase at sa limitadong access ko sa internet. Pero babawi talaga ako sa kanya bukas pagkatapos ng klase ko. Maraming-marami akong ikukuwento sa kanya at kasama na roon ang pag-eskapo namin ni Tita Tory sa bahay.


Pagkatapos kong basahin ang kanyang mensahe at binuksan ko naman ang call history ni Mimi. Natawa ako nang malaman kong nasa limang beses na pala siyang tumawag at hindi ko nasagot. Ilang saglit lang ay tumawag na siya sa ikaanim na pagkakataon at sa puntong ito ay sinagot ko na agad ang tawag niya.


"Hi Mimi, pasensya na kung ngayon lang ako sumagot sa tawag mo kasi kumakain pa ako," sabi ko sa kanya.


Bigla na lang siyang umiling sa tawag at kinalauna'y tumili.


"Ayos lang Riri at buti na lang sinagot mo na ang ikaanim na tawag ko. Akala ko tuloy kinuha na naman ng pugita ang selpon mo eh," pag-aalala naman niya. "Nga pala Riri nakatanggap ka na ba ng isang package na naglalaman ng gagamitin natin sa online class?"


"Ang Virtualrealmnet ba kamo?" tanong ko sa kanya.


Mukhang nagsimula na talaga silang mamahagi ng Virtualrealmnet sa mga estudyante ngayon dahil maipagpapatuloy na namin ang aming pag-aaral bukas. Siguradong doon na rin namin isasagawa ang aming pagsusulit sa midterms.


"Oo Riri 'yon nga," sabi naman ni Mimi.


Agad ko naman siyang sinagot sa kanyang katanungan.


"Kanina lang ako nakatanggap Mimi at nandito na rin sa kwarto ko. Nakatanggap ka na rin ba?"


"Oo Riri," sagot niya. "Kaya nga rin ako napatawag sayo dahil magpapaturo sana ako kung paano gamitin ito. You are the one who knows about this sci-fi stuffs and I know that you keep on reading about this."


"Sure. I'll tell you how to use it," nakangiti kong saad sa kanya.


Kinuha ko muna ang kahon sa gilid ng kama ko at dahan-dahang kinuha ang aking Virtualrealmnet. Inilapag ko rin ito sa tabi ko saka muling nagsalita sa telepono.


"Isa itong uri ng teknolohiyang gumagamit ng Virtual Reality Massively Multiplayer Online o VRMMO ngunit may mga advance features ito gaya ng sariling internet at malakas na pagsagap ng signal. Kumuha ka na muna ng papel at isulat mo kung ano ang proseso para hindi mo malimutan," sabi ko sa kanya.

Class Code: ERRORDonde viven las historias. Descúbrelo ahora