Agad kong binuksan ang regalong hindi dapat masisira ang pambalot. Nang maalis ko na ang laman nito sa loob ay talagang nanlaki ang mga mata ko sa sorpresang nakita ko kasabay ng kasiyahang nararamdaman ko. Tama nga siya at hindi na ito isang uri ng prank o scam kundi totoo na 'to. It's a latest edition of smartphone that has 160 GM internal memory and 65 GB RAM with an AI feature on cameras. Binuksan ko na rin ang kahon at tumambad nga sa akin ang kulay asul at lilang phone. Hindi rin ito isang replika kundi totoong totoo na talaga!
"Totoo ba talaga 'to Tita Tory?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Masayang ngumiti sa akin si tita. "Oo, gaya ng ipinangako ko sayo Zenrie."
"I thought it was one of your pranks again just what I think of earlier. Akala ko sabong bareta ang laman nito," natatawa kong saad sa kanya.
"A least it's not a prank anymore Zenrie," nakangiting saad nito.
Hindi ako makapaniwalang totoo talaga 'to. Napakasaya ko.
"Aalagaan at poprotektahan kita gaya ng ipinangako ko sa mama mo. Masaklap mang isipin na tuluyan nang kinalimutan ng papa mo ang mga alaala niya at nagpauto sa pugitang 'yon, pero kahit gan'on man ang nangyari aagapay pa rin kami sayo kahit na anong mangyari. Hindi ka nag-iisa sa labang ito Zenrie. Kasama mo kami."
Lumapit sa akin si Tita Tory at niyakap ako nang mahigpit upang maibsan na rin ang kabigatan sa loob ko. Niyakap ko rin siya kasabay ng pagtulo ng aking mga luhang nagpapakita kung gaano ako kasaya simula noong makatakas kami. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko.
"Salamat tita."
======
Matapos naming kumain ay agad kaming nagligpit ng mga pinagkainan saka hinugasan ang mga ito at pinunas ang mesa. Dumiretso na rin ako sa aking kwarto dala ang bagong smartphone. Pagkarating ko sa kwarto ay inilapag ko na muna ito sa aking table cabinet upang magpunas at magpalit ng damit pantulog. I wear a black sando and a navy blue pajama instead of a white night dress. Mukha kasi akong manika kung susuotin ko 'yon.
Kaagad kong inilipat ang aking dalawang sim card sa bagong smartphone at pinagana ito. Hindi ko inakalang makakagamit na ako ng ganito ulit simula noong sinira ni Arman ang dati kong smartphone noong nasa 12th Grade pa ako bago magsimula ang graduation ceremony. Hindi na rin ako laging tatambay sa computer shop para makagamit ng internet. Maliban sa Virtualrealmnet, may magagamit na rin ako sa pang-araw-araw kong gawain gaya ng pagsusulat ng kuwento at pananaliksik. Pati na rin sa laro.
Binuksan ko na ang bentilador saka pinatay ang ilaw sa kwarto. The galaxy-like stars made up of glow in the dark stickers are twinkling on the ceiling that creates a starburst galaxy feeling. Ibang klase rin talagang magdisenyo si mama sa kwartong ito talagang masasabi kong kinareer niya. Napakagandang pagmasdan ang mga 'to lalo na kung aktwal na kalangitan ang makikita mo at nagsasama-sama ang mga bituin. Nakakamiss din mag-stargazing.
Nakakatwang isipin na kahit may aircon ako rito sa kwarto ay mas pinili ko pa ring gamitin ang bentilador dahil mas konti ang nakokonsumo nitong kuryente. Binuksan ko rin ng konti ang glass window upang makalabas naman ang hangin at masinagan naman ng buwan. Hindi rin basta-basta makakapasok ang mga magnanakaw rito dahil may nakalagay na security system sa buong bahay na sa isang hawak pa lang ng bintana o kahit gate ay mangingisay sila o mahuli ng patibong.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 5: A Night Before Class
Start from the beginning
