"Ibang klase pala kayo tita. Sigurado akong kukurotin ka talaga ni mama at Tito Nayu dahil d'yan kung nandito pa sila."
"Sinabi mo pa," sabi niya na may konting lungkot sa tono. "Alam kong nangungulila ka rin sa kanila at ganoon din ako. Pero kahit ganoon man ang nangyari nananatili ka pa ring matatag kahit ilang beses kang saktan ng mga halimaw na 'yon sa bahay na 'yon. Ipinagmamalaki ka talaga namin Zenrie," dagdag naman niya at ngumiti. Napangiti rin ako sa mga sinabi niya kahit medyo nakakaramdam pa ako ng sakit mula sa nangyari nitong nakaraang dalawang araw. Nakatakas man ako sa bahay na 'yon, hindi naman sa nakaraan ko.
Alam ni Tita Tory kung nakakaramdam talaga ako ng lungkot o saya sa pagtingin lang niya sa aking mga mata. Kakaiba rin talaga ang kanyang katangiang ito dahil malalaman din niya kung ang isang tao ba ay nagsisinungaling o hindi at ito rin ang isa sa mga katangiang taglay ko na namana ko rin sa kanila ni mama. Para rin nilang binabasa ang isang tao gaya ng isang karaniwang libro.
"Naku tita, kung hindi naman dahil sa inyo nina kuya ay wala na akong dahilan pang lumaban sa buhay," sabi ko sa kanya.
Siguro kung ginawa ko man ang isang bagay na labag sa mata ng Diyos na kitilin ang sarili kong buhay noon pa, malamang pagsisisihan ko ang bagay na 'yon at mas lalo pang bumigat ang sitwasyon.
"At dahil d'yan may sorpresa ako sayo."
Sorpresa? Ano na naman kayang klaseng sorpresa 'yan?
Mahilig talaga si Tita Tory sa paggawa ng mga sorpresa sa amin ni mama at minsan kailangan pa naming hulaan ito kung anong klase 'to. Baka kasi isa na naman ito sa mga prank na ginawa ni tita sa akin gaya noong ika-18 kaarawan ko. Dito rin kami nagdiwang sa bahay na ito ng kaarawan ko nitong nakaraang dalawang taon at nakakatawa nga dahil kakaiba ang iniregalo niya sa akin. Inabutan niya ako ng isang malaking kahon at inakala kong damit ang laman 'yon pala puro malunggay, kamatis, toyo, pipino at isang seasoning ang laman. Kahit simple lang ang pagdiriwang namin naging maligaya naman kami. Hindi rin naman kasi ako mahilig sa mala-engrandeng pagdiriwang ng debut ko na may pa-18 roses pang nalalaman.
May inilapag si tita sa mesa na isang maliit na kahong nakabalot sa kulay lilang pambalot at itim na ribbon. It has a total measurement of 3.8 inches in width, 7.5 inches in length, and 2 inches height in volume. She slips the gift box to me and I grab it immediately. Hindi ko inakalang pati rin pandama ko ay naapektuhan na rin sa pagiging kakaiba simula nang sumalang ako sa beta test. Pakiramdam ko ay nasa loob pa rin ako ng virtual world.
Dahan-dahan kong inalog ang kahon at may narinig akong isang munting tunog sa loob. "Tita Tory baka isa na naman 'to sa mga gift pranks mo gaya noong debut ko," natatawa at mausisa kong saad sa kanya.
Tumawa naman si Tita Tory at ngumiti sa akin. "Ayaw mo 'yan? Naku Zenrie babawiin ko na lang 'yan kung ayaw mo. 'Yan pa naman ang kinakailangan mo ngayon para hindi ka na magtiis sa de-pindot mong telepono," sabi niya.
Napapaisip pa rin ako kung ano ba talaga ang laman nito. Baka kasi sabong bareta lang pala ang laman nito at isa na namang prank. Pero natigilan ako nang banggitin niya ang salitang telepono.
KAMU SEDANG MEMBACA
Class Code: ERROR
Fiksi IlmiahHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 5: A Night Before Class
Mulai dari awal
