Chapter 5: A Night Before Class

Magsimula sa umpisa
                                        

Talagang kakaiba ang pakiramdam namin dito sa virtual world. Iniisip ko rin na sana hindi susulpot ang nagsasalitang paruparo sa kasagsagan ng klase namin dito at baka mabulabog pa ang isipan ko. Medyo madaldal pa naman ang paruparong 'yon at baka mabuking pa ang itinatago kong virtual identity.


Napansin naman ni Mimi na hindi ako nagsusuot ng salamin dito sa virtual world. "It looks like you're blooming today Riri. Hindi ka kasi nagsusuot ng salamin gaya kagabi."


"Sus nambobola pa," natatawa kong saad sa kanya. "Kagaya nga sa tunay na mundo Mimi ay isinusuot ko lang 'yon sa oras na gagamit ako ng computer at phone para maiwasan ang radiation. Pero dahil nandito tayo sa isang alternatibong virtual world ay hindi ko na kailangan pang magsuot n'on. And your vision is enhanced to a normal average grade here."


"Ang astig! Talagang may mga bagay pa akong gustong matuto tungkol sa alternatibong mundo."


Habang nag-uusap kami ni Mimi ay hindi ko na rin namalayang dumating na pala sila Emerson at Ranzou sa aming likuran. Bago lang din silang nakapag-log in dito.


"At marami ka pang mga bagay na matutunan dito Mimi," singit namang sabi ni Emerson.


Dahil nandito na rin kaming lahat, dapat sinisigurado naming walang kakaibang mangyari sa mundong ito habang isinasagawa ang aming klase gaya na lang kagabi at noong beta test. Isa na rin doon ang paruparong nagsasalita na alam na alam ang aking virtual identity bilang isang top rank player. Pati rin dito ay may stalker na rin ako at isa pang insekto.


Biglang pinisil ni Ranzou ang aking magkabilang pisngi sa sobrang saya at pagkasabik sa unang araw ng klase namin dito sa virtual world. "Good mooooooooorniiiiiiiiing Zenrie! Kumusta naman ang tulog mo kagabi?" masiglang tanong niya.


Sa totoo lang binabangungot talaga ako dahil sa paruparong iyon kung alam lang niya.


"Huy Ranzou! Tigilan mo nga ang pagpisil sa mga pisngi niya at baka masapak ka pa eh," sabi naman ni Mimi at hinampas ang kanyang kanang braso. At grabe naman siya sapak talaga ang naisip niyang sabihin.


I glare at him when he didn't stop from squeezing my cheeks. Nang mapansin niya ang tinging 'yon ay napatigil siya sa kanyang ginagawa.Kahit nasa virtual world ako ay huwag na huwag siyang magtatankang pisilin ang pisngi ko na parang stuffed toy o mochi.


"Grabe ka naman kung makapisil sa pisngi ko Ranzou ginagawa mo na akong stuffed toy!" malakas na saad ko sa kanya.


Agad niya akong binitawan at saka napahimas sa batok kasabay ng kanyang mahinang tumawa. Sa napapansin ko sa kanyang sigla ay para bang kumain na naman 'to ng tsokolate sa umaga. Dinaig pa niya ang ka-hyperan ng isang kindergarten pupil. Pero mas pipiliin ko pang ganito siya kesa magalit kung tutuosin.


"Pumasok na tayo sa klase dahil nasasabik na ako!" masiglang sabi ni Mimi.


Natigilan ako bigla sa mga sinabi niya. Ang aga naman siguro kung pumasok ng 08:15 AM sa klase at mamayang 11:00 AM pa ang klase namin ngayong Lunes. Siguro dahil sa pagkasabik niya sa klase sa virtual world ay hindi na niya namalayang tignan ang kanyang schedule sa student's window.


Kalimutan mo lang ang nagsasalitang paruparo basta huwag ang schedule mo sa klase. Isa pa kailangan pa rin naming maging alisto kung sakaling may kakaiba na namang mangyari o matuklasan sa mundong 'to. At sana hindi sumulpot ang nilalang na 'yon gaya ng sinasabi ko kanina.


Bago ko pa man makalimutan ay pinaaalahanan ko si Mimi.


"Uh Mimi mamaya pang 11:00 AM ang klase natin para sa Creative Writing. Baka pwede muna tayong tumambay sa campus gazebo upang makapagpahinga muna habang naghihintay," sabi ko sabay tapik ng kanyang balikat.


"Tama si Zenrie. At isa pa Lunes ngayon at hindi papasok sa atin si Prof. Armie dahil bukas pa ang schedule niya," dagdag naman ni Emerson.


Nanag malaman ito ni Mimi ay napakamot siya sa ulo at mahinang tumawa. "Oo nga noh. Buti pa nga sa gazebo na muna tayo tumambay habang naghihintay."


"Ok Mimi."


Kaagad naming nilisan ang open bench at dumiretso sa campus gazebo na kung saan napapalibutan ito ng mga puno't halaman na talagang nakakarelax sa tuwing tatambay ka rito. Ito rin ang nagbibigay ng malamig at preskong hangin sa lahat kahit maalinsangan ang panahon gaya sa tunay na mundo. Nasa 80 metrong layo mula sa Arts and Science Department.


Pagkarating namin doon ay agad kaming umupo at nag-uusap-usap silang tatlo. I open my student's window to see if there are new messages until a butterfly icon is blinking in blue on the right side. Ito ang palatandaang may bagong mensahe akong natatanggap mula sa isang tao. Agad koi tong pinindot at lumabas ang isa pang window na nagpapakita sa mensahe na galing kay Zoiren.


[Mamayang 02:00 PM ang labas namin mula sa minor subject period. Magkita tayo sa oras na 02:15 PM sa library. Isa itong emergency at hihintayin kita roon. ~Zoiren]


Isang emergency kamo? Hindi kaya ibang bagay na naman ang natuklasan niya gaya ng sinabi niya kanina? Kung tungkol man ito sa student's window ay hindi na ako magdududa pa. Sakto namang alas dos din ng hapon an gaming bakanteng oras at talagang makakapunta ako sa sinasabi niyang emergency.



==========


Author's note:


Isang misteryosong asul na paruparo ang nagpakita sa kanya noong nakaraang gabi na nakakaalam sa kanyang virtual identity, at isa na namang bagay ang nadiskubre ni Zoiren sa kanyang student's window. Ano kaya ang kinalaman ng asul na paruparo sa pagkatao ni Zenrie sa loob ng virtual world at sa pagiging top rank player nito bilang si Black Navillerian Angelus? Anong bagay ang natuklasan ni Zoiren sa unang araw ng kanilang klase sa virtual world? May kakaiba na naman bang bagay ang mangyayari sa isang alternatibong mundo dahilan upang magsimula ang mga haka-haka? Abangan sa susunod na kabanata.


What's up minna-san! Kumusta naman ang online class? Laban lang talaga tayo para sa bagong normal ngayon kahit may mga bagay na minsan magkakaroon ng anomalya at isa na roon ang internet connection. Huwag kakalimutang kumain ng agahan at pananghalian bago pa man magsimula ang klase.


Kahit magsisimula pa lang ang aming klase sa susunod na linggo, sinisimulan ko na ring isulat ang inaabangang pangalawang season ng The Lost Swordsgirl at ang editing sa unang season nito. Mukhang magkakaroon talaga ng isang multi-task na trabaho para rito at isama pa ang klase. Pero gagawin ko pa rin ang aking makakaya upang makapagpatuloy na mag-update sa mga nobela.


Stay tuning in for the next updates minna-san! Happy reading, keep safe, keep praying, God bless and lovelots!


~SymphoZenie

Class Code: ERRORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon