Chapter 5: A Night Before Class

Start from the beginning
                                        


Pagkaalis ni tita ay isinara ko na ang pinto at binuksan ang bentilador sa kwarto. Umupo na ako sa aking kama kasabay ng pagkuha ko sa Virtualrealmnet. Nang maisuot ko na ito ay biglang tumunog ang aking phone at binuksan ito. Tumambad sa screen ang dalawang mensahe nina Mimi at ni Zoiren.


[Kitakits sa open hallway Riri! ~Mimi]


[Hey Zenrie! Magkita tayo mamaya sa library. May napansin na naman kasi ako kanina sa student's window mailban sa game stats. ~Zoiren]


Pareho ko silang nireplayan ng "sige" sa kanilang mga pinadalang mensahe. Mukhang nasasabik na rin si Mimi para sa klase namin ngayon habang si Zoiren naman ay may bagong nadiskubre sa kanyang student's window. Siguro hindi na ito tungkol sa mga nakita namin sa aming avatar settings. Sisimulan na naman namin ang isang imbestigasyon hingil sa bagay na ito.



==========


Strelia Aurelis University, 07:45 AM


The system took me to the open bench of the Arts and Sciences Department building just in time yet very early for our class schedule. Sa nakikita ko sa paligid ay marami nang mga estudyanteng nakapag-log in sa mundong ito na puno ng pagkamangha at paninibago sa alternatibong mundong ito gamit ang teknolohiya ng VRMMO. Kasalukuyan akong nakatayo rito ngayon habang hinihintay sila Mimi at wala pang limang segundo ay dumating na rin sila. Patakbo namang sumalubong sa akin si Mimi at tila pa'y susunggaban pa ako.


"Ririiiiiiiiii!" masiglang tawag sa akin ni Mimi at sinunggaban ako saka natumba sa sahig.


May napapansin na naman akong kakaiba sa bagay na ito. Kung sa tunay na mundo ay makakaramdam ako ng sakit sa katawan mula sa pagbagsak ko, dito naman sa virtual na mundo ay hindi. Parang nagiging manhid ka sa sakit. Paano na lang kaya kung masugatan? Hindi ko alam kung isa na naman itong bug o kasama rin sa systems ang magkaroon ng isang pain absorber system.


Wala na bang mas weirdo sa bagay na ito at sa nagsasalitang asul na paruparo kagabi?


"Mabuti naman at nakarting ka na Mimi," masayang sabi ko kahit medyo nabibigatan ako sa kanya. Pero nagawa ko pa ring ngumiti sa kanya. "Baka pwede na tayong tumayo rito at alam mo namang nakasuot tayo ng medyo maiksing palda."


"Nyay! Tama nga pala Riri," natatawa niyang saad at agad na tumayo. Tinulungan niya rin akong makatayo at saka inayos ang aming mga sarili. Napansin ko ring hindi ako nagsusuot ng salamin dito sa virtual world at ayos lang 'to sa 'kin. Ginagamit ko lang naman 'yon sa tuwing gagamit ako ng ibang gadget para maiwasan ang aking migraine.


"Kumusta ulit ang pakiramdam na makapag-log in sa virtual world?" tanong ko sa kanya.


Masigla namang sumagot si Mimi, "Gaya pa rin kagabi Riri na kakaiba at napakaastig nito! Hindi rin ako makapaniwalang magkakatotoo rin pala ang isa sa mga kuwento ng binabasa mong light novel."


"Ganoon na nga," nakangiti kong saad sa kanya.


Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now