"Mabuti naman at nagkita na rin tayo ulit Zenrie, o kung sa iba mo pang palayaw sa laro, Black Navillerian Angelus," masayang saad nito na ikinagulat ko na naman ulit.
"Alam mo kung ano ang aking pagkatao sa cyber world?" pagtatakang tanong ko.
"Oo Zenrie. Kahit nga pangalan mo sa laro ay alam ko eh. You are the top rank player and Black Navillerian Angelus Kaze---"
Bago pa man siya makapagpatuloy sa kanyang pagsasalita ay agad kong binuksan ang aking student's window at nag-log out. Jusko! Kaya pala panay ang pagdapo sa akin ng paruparong 'yon dahil maliban sa alam na niya ang aking virtual identity, napaisip tuloy ako kung si Prof. Leizuko ang may gawa nito. Naman eh! I'm very keen to hide my virtual identity and only a blue butterfly knows my secret. Paano na naman kaya nangyari ang bagay na 'to? Hindi naman siguro 'yon isang bug gaya ng napansin namin sa student's window. Kakaiba rin talaga ang gabing 'to ano?
Siguro itulog ko na muna 'to dahil may pasok pa ako bukas.
===========
March 16, 2020, 06:00 AM
Maaga akong nag-asikaso sa bahay at tnulungan si tita sa mga gawaing bahay. Nagluto na rin ako ng ginisang munggo at kanin bilang agahan namin saka nagtimpla na rin ako ng gatas. Pagkatapos din naming kumain ay inihanda ko na ang aking sarili para sa unang araw ng klase namin sa virtual world o ang pagpapatuloy ng naudlot na klase. Mabuti na lang at alas kwatro pa lang ng umaga ay nakaligo na ako para hindi na rin maalinsangan sa pakiramdam kapag nakapag-online na ako sa virtual world. Mabilis namang matuyo ang buhok ko kaya hindi ko na kailangang gumamit ng hair dryer.
Bago pa man ako makapag-online ay dumaan si Tita Tory sa pintuan ng aking kwarto habang bitbit niya ang isang malaking asul na eco bag.
"Zenrie pupunta na muna ako sa supermarket upang mag-grocery at mamalengke pagkatapos. May ipapabili ka ba sa 'kin bago ako umalis?" tanong sa akin ni Tita Tory habang inaayos niya ang kanyang suot na mask.
"Sketch pad at lapis lang po tita para sa ginagawa kong disenyo sa mga karakter ng nobela ko," sabi ko sa kanya.
"Sasamahan ko na lang ng paborito mong coffee crumble ice cream at tiramisu cake para makapagmerienda ka pagkatapos ng klase mo sa virtual world. Tapos tulungan mo ako mamaya sa pag-aasikaso dahil darating si Issei mamayang gabi. I'm sure you really miss him and your bonding," nakangiting sabi ni tita sa akin.
Uuwi pala si Issei mula sa Tokyo. Sa kabutihang palad ay negatibo ang naging resulta ng kanyang blood test para sa naturang sakit at natapos na ang kanyang 14 na araw ng quarantine. Hindi ako makapaniwalang makakasama ko na rin ang isa sa aking mga pinsan dito sa bahay. Siya ang pangalawang anak ni Tita Tory na kapareho ko lang ng edad pero nag-aral siya sa Japan. Sana man lang pag-uwi niya ay hindi niya ako pagtitripan sa pagsuot ng kulay rosas na bestida dahil hindi ko type 'yon.
"Opo tita," masayang tugon ko.
Alam na rin pala ni Tita Tory ang tungkol sa virtual world online class namin. Siguro nabasa niya ito sa isang artikulo sa Sirius Tech o napanood niya sa telebisyon kanina. Inabisuhan na rin niya akong mag-ingat kahit nasa isang alternatibong mundo man ang klase namin.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 5: A Night Before Class
Start from the beginning
