MBAD ( 30 ) : That girl

38.7K 627 51
                                    

MBAD ( 30 ) : That Girl.

Irene POV

Buong araw kong hindi nakita si Mason, hindi na siya bumalik pa hanggang matapos ang klase.

Nagliligpit ako ng mga gamit ko ng bigla akong lapitan ni Gion.

" Uwi ka na ba? Tinext kasi ako ni Mason na hindi na siya babalik, pinapahatid ka niya sa bahay nila. " tinignan ko lang si Gion. Hindi agad ako nakasagot, nagdadalawang isip ako kung uuwi na ba ako o hindi pa.

" May nangyari ba kay Mason? " pag-aalala ko. Bigla bigla na lang kasing umalis si Mason na parang may nangyaring hindi maganda.

" Ewan, wala naman siyang nababanggit. " walang ganang sagot ni Gion.

" Okey ka lang ba Gion? Bakit mas mapula ang kanang pisngi mo sa kabila? " taka kong tanong, napansin ko kasi ang sobrang pamumula ng pisngi niya. Nanlaki ng bahagya ang mata niya, nagulat ata siya sa tanong ko.

" Ha. Ha. Ha. Ano, may amazona este pusa ay tigre, teka lion ata 'yon… "

" Ha? Lion? "

" A ano, tumama sa pader, brownout sa bahay kagabi, tumama ang pisngi ko sa pader. " sagot niya sabay kamot sa batok.

" Ganun ba? Mag-ingat sa susunod. Hindi muna ako uuwi, may gagawin pa pala ako sa library. " paalam ko sa kanya, matagal na din kasi akong hindi nakakapag library, kailangan kong mag advance reading para hindi ako mahirapan sa mga future lessons ko.

" Kaw bahala, text ka na lang kung kailangan mo ng maghahatid sayo sa bahay nila Mason. " pagmamagandang loob ni Gion, ang bait talaga niya, nakakapag taka talagang wala siyang girlfriend, samantalang sa katulad niyang gwapong mabait hindi malayong makahanap siya ng kasintahan.

Umalis na ako sa room at nagdiretso sa library ng biglang may sumulpot na tao sa gilid ko.

" Mukhang mag-isa mo lang ngayon. " sambit ni Dri, napansin kong may dala dala din siyang mga libro. Mukhang sa library din ang punta niya.

" Oo, kamusta na pala? Pasensya na sa mga nakaraang araw. " pakiramdam ko ang laki laki ng kasalanan ko kay Drigory.

" Wala kang dapat ipag pasensya. Pero alam mo may isang bagay akong napagtanto. " napahinto ako sa sinabi niya. Nagtama pa ang mga mata namin at agad din akong umiwas, nakangiti kasi siya ngayon. Parang ang awkward lang.

" Ano naman 'yon? " tanong ko.

" Mas nabibigay lahat sa panganay kesa sa sumunod na anak. " sambit niya at nagpatuloy sa paglalakad. Parang may tono pa ng lungkot ang boses niya ng banggitin niya 'yon.

" Hindi naman siguro, fair din ang mga magulang, may mga dapat lang unahin sa panganay, tsaka dapat kasi nagsasabi ang pangalawang anak ng dapat nilang hingiin, kailangan mo lang maging vocal sa pangangailangan mo. " paliwananag ko, pero teka? May kapatid ba siya? Parang wala akong nasasagap na tsismis na may kapatid siya.

Huminto siya bigla sa harap ko, nagulat pa ako ng bigla na lang niya akong kinulong at hawakan ang magkabilang balikat ko.

" Bakit Dri-Drigory? " ang weird niya kasi, bigla na lang siyang naging aggresibo.

" Kung hihingin ba kita sa Kuya ko, ibibigay ka ba niya sa akin? " seryoso niyang sambit habang nakatitig sa akin, nalukot ang noo ko sa sinabi niya.

Mommy, Baby and Daddies? [ COMPLETED ]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum