MBAD ( 6 ) : Foursome Charm

46.3K 822 84
                                    

MBAD ( 6 ) : Foursome Charm

Nasa taxi ako ngayon, kasama si Mama, mabuti na lang at napigilan ko siyang tumawag ng pulis kanina, kung hindi paniguradong wala na akong mukhang maipapakita pa sa school. A police in our school!? Just imagine how chaotic it would be, baka sa utak palang ng TGF pinatay na nila ako. Thanks God to my bestfriend, napakalma niya si Mama, tinawagan ko lang naman siya at pinaki-usap kay Mama and after that ayos na ang lahat, ano kayang sinabi ni Marj kay Mama? Minsan talaga, angel in disguise si Marj sa akin.

Hindi pa din nawawala ang pagkabog sa dibdib ko, habang papalapit kami sa school ay kung anu anong imahinasyon ang pumapasok sa utak ko oo wala ngang pulis pero si Mama, katumbas niya ang sang katerbang pulis, what if sungitan siya ni Mason? Paano kung sigawan siya ni Carl? Madadala kaya siya sa charm ni Rui? Buti pa si Gion, medyo kalmado. Paano pag nakita niya ang TGF? How will she react? Sasapukin niya kaya? Huwag naman sana, magiging wanted ako sa lahat ng fangirls ng TGF.

Nag-uumpisa ko na ding tawagin lahat ng mga Santo sa mundo, kung pwede pati na mga Greek Gods papakiusapan ko, maging kalmado lang si Mama. Habang nagdadasal ako ay bigla na lang tumunog ang cellphone ni Mommy. Is this the sign? Pag tumunog kasi ang phone ni Mama. Isa lang ang ibig sabihin nun may emergency sa trabaho niya.

" Opo Sir? Okay po, papunta na po ako. " dinig kong sagot niya. Mukhang may importante nga siyang lakad.

" Manong sa tabi na lang. " pigil niya sa driver, pagkatapos nun ay tinignan niya ako. A deadly look to be exact, minsan lang siya mag seryoso, at pag seryoso. Seryoso talaga.

" Hindi pa tayo tapos Irene, kakausapin ko kung sino man ang lalaking nakabuntis sa'yo. Dalhin mo ang lalaking yan sa bahay mamaya at kakausapin ko, kung hindi mo siya madala, ako mismo ang magpapakulong sa kanya. " paninindak niya sa akin. Pag kababa niya ng taxi dun lang ako nakaramdam ng kapayapaan.

What to do!? Ako dadalhin silang apat sa bahay? Imposibleng mangyari 'yon, ni wala nga akong lakas ng loob na lapitan sila.

Kung alam ko lang sana kung sino sa kanila ang dapat kong kausapin, baka pwede ko pang kausapin, pero yung apat silang nasa harapan ko, hindi ko kaya.

Dumating ako sa school na lutang, parang wala akong maramdamang ibang tao sa paligid ko, minsan ko ng nakitang naging hulk si Mama, at ayaw ko ng makita ulit ang pangyayaring 'yon. Mabait naman si Mama, yun nga lang pag sinumpong ang topak nagiging delikado.

" Irene! Hoy! yoohooo! " napatigil ako sa paglalakad ng maramdaman kong may tumapik tapik sa akin. I turned my face to her, and there I saw Marj. Nanlaki pa ang mata ko at niyakap ko siya bigla.

" Marj! " niyakap niya din ako pabalik.

" Your welcome. " untag niya. Kung bakit, it's because of her connection, panigurado siya ang dahilan kung bakit pinatawag agad si Mama sa trabaho niya, mayaman nga kasi si Marj, at sa restaurant na pinagtatrabauhan ni Mama, ay may shares ang family ni Marj.

" Kaloka si Mother dear mo, alam mo bang sinabi kong ako ng bahalang magpapulis sa mga hinayupak na rapist, kaya tumigil sa tantrums about sa pulis. At siyempre hindi siya pwedeng magwala dito, yari ka sa mga fangirls ng TGF, baka bukas makalawa nabalitaan ko na lang na ibinitin ka nila patiwarik. " tuluy tuloy niyang sambit. Alam ko naman yun, kaya nga kung maaari ayaw ko na silang maka-usap pa. Baka mawala ang immunity ko sa pagkakaroon ng payapang pamumuhay dito sa school.

" Anong gagawin ko Marj? Gusto niyang papuntahin ko sa bahay ang isa sa kanila. " napakagat ng labi si Marj.

" Problema nga yan. " sagot niya lang.

Mommy, Baby and Daddies? [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now