MBAD ( 64 ) : Random

21.3K 415 42
                                    

MBAD (64) : Random

Rui's POV

" Please umalis kana! " sigaw sa akin ni Tricia, gusto ko siyang sigawan, gusto ko ding magalit sa kanya, pero may pumipigil sa akin. Akala ko tapos na ako, akala ko wala na akong nararamdaman pa sa kanya. Pero habang tumatagal, sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan, mas lalo akong nagkaka urge na tulungan siya, na ibalik yung dating siya. Maybe I'm just really stupid. I thought I already had enough of her, pero akala ko lang ang lahat.

" Ano na naman bang ginawa ni Mason sa'yo? " tanong ko. Akong si tanga, when her staff texted me na nagwawala siya agad akong tumakbo sa shop niya para lang tignan siya kung ano bang nangyayari.

" I just want you to leave and never show yourself again, please Rui tantanan mo na ako. " napatayo ako sa inis. Hindi maganda ang gising ko, I was drunk last night. At kahit ganun pa man, pinipilit kong intindihin siya.

" Ayaw kong magpakatanga sa'yo, but what happened to us last-- " hindi pa niya ako pinapatapos ay bigla na siyang nagsalita.

" Shut up! And don't you ever bring that topic ever again. Hayaan mo na lang ako Rui. Please. Please... " bigla siyang naluha, sh*t naman oh. Lalapitan ko sana siya pero hinarang niya ang kamay niya sa akin.

" I love him. Siya lang talaga, at hindi ko matanggap na wala na talaga siya sa buhay ko. Oo. Nahihirapan ako. Everyday na magigising ako, everynight na matutulog ako. I always cried. What I did to their daughter is a total nightmare. Walang araw na hindi ako nagsisi. Please Rui hayaan mo na lang ako, I don't wanna see any of you. Anything related to Mason, anything na makapagpapaalala sa akin na may Mason na nag e-exist sa mundo. " saad niya, napahawak na lang ako sa sintido ko. Ilang beses niya ng sinabi ang bagay na 'yan.

" Mahal kita. " bulong ko, napatingin siya sa akin. Napapikit ako at tinignan siya sa mga mata niya.

" At hindi ko pinagsisisihan na may nangyari sa atin. "

" Kung sa tingin mo wala ng nagmamahal sa'yo. Nandito pa ako Tricia. Handa akong magbulagbulagan at magbingibingian para lang sa'yo. If you ever realize that you need me in your life, I'm just one text away from you. Pupuntahan at pupuntahan kita kahit anong mangyari. " nginitian ko siya at naglakad na paalis ng botique niya.

Oo may nangyari sa amin, I was too careless. Parehas kaming nakainom that time, wala kami sa tamang pag-iisip, galit siya sa akin dahil sa nangyari, nagising kaming dalawa sa isang kwarto. Hindi siya makapaniwalang may nangyari sa amin.

Until now I know she is mad at me. Pero ako pilit ko pa ding pinagsisiksikan ang sarili ko. Mahal ko siya, kahit na sabihin nating masama siyang tao. Wala naman kasing pinipili ang pag-ibig. That's how blind is love. Tss drama ko.

Sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive ng nagdrive. I have nowhere to go. Bahala na kung saan ako makakarating.

Tricia's POV

" Are you sure you're okey? napaka moody mo. Dinalaw ka na nga galit kapa, samantalang kahapon, you keep on begging na dalawin kita kahit once in a blue moon. " tinaasan ako ng kilay ni Gia. Hindi ko din alam kung anong nangyayari sa akin.

Yes, she is right. Nagiging moody ako. Just this past week.

" Should I go to a psychiatrist? I don't know what is happening to me Gia. " napaupo lang ako sa sofa, at napahalumbaba. Di naman ako ganito dati, I can even manage my feelings, kaya ko pang magpigil.

" I think you should join your Mom and Dad in Europe, kailangan mo na ng vacation Tricia. Stop thinking about this and that. Look at yourself, kahit minsan mag enjoy ka naman. " napatingin lang ako sa kanya. If things are just so easy. Hindi naman kasi ganun kadali lahat.

Mommy, Baby and Daddies? [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon