MBAD ( 7 ) : Baby Tarsier

49.9K 906 107
                                    

MBAD ( 7 ) : Baby Tarsier

Nasa library kami ni Marjoneth ngayon, at etong si Marj ayaw paawat, gusto niyang isa-isahin ang mga pangyayari kahapon. Ang kulit kulit niya kanina niya pa ako tinatanong sa kung anong nangyari sa bahay.

" Sige na friend! Kwento mo lang naman ng buo, wag naman yung okay na ang lahat, ano 'yon? Anong okay! Dali na Irene! Maawa ka naman sa utak ko, hirap na nga akong mag-isip, pinag-iisip mo pa ako sa kung anong nangyari kahapon. " napabuntong hininga na lang ako sa kakulitan niya.

" Okay na kasi, bestfriend na nga nila si Mama, at si Mama naman tuwang tuwa sa kanila, para daw siyang nagkaroon ng instant na mga lalaking anak, rinding rindi na nga ako sa kanya, buong gabi pati kaninang umaga, wala siyang ibang bukang bibig kung hindi ang TGF. " tinignan ko naman si Marjo, tulala na naman at bigla na lang naging dreamy eyes ang mga mata niya.

" E kasi naman friend! Ang gagwapo talaga ng TGF! Pati siguro si Tita nalaglag panga ng makita sila! Hindi ko masisisi si Tita. " ani niya na parang kinikilig kilig pa. Sabi ko na nga ba, basta TGF ang usapan nag tatransform 'tong si Marj.

" Ay. Oo nga pala! Maiba tayo, sasama kaba sa fieldtrip? " napakunot ang noo ko. Fieldtrip? Parang wala naman akong alam na magkakaroon ng fieldtrip, sabagay never naman akong sumama sa mga ganyan ganyan, gastos lang.

" Hindi. " tipid kong sagot.

" Anong hindi! Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo! Treat ko naman, tsaka haleer! Last year mo na sa Skylight, kahit minsan naman sa buhay mo Irene try mong magkaroon ng social life. " bigla naman kaming sinita ng librarian sa kalakasan ng boses ni Marj, maling dinala ko siya dito, nakalimutan kong may pagka armalite ang bibig ni Marj.

" Oo na. Huwag ka na lang maingay. " pabulong kong sambit.

" YES!!! For sure mag-eenjoy tayo! " sigaw niya. *facepalm* kasasabi ko lang na huwag siyang maingay.

Tinignan ko 'yong librarian, halos umusok na ang ilong nito at ang sama sama na ng tingin sa amin. Pasimple akong tumayo at hinila si Marj.

" San tayo pupunta? Akala ko ba tuturuan mo ako sa assignments ko. " tanong ni Marj.

" Sa pwede kang mag-ingay, tara na. "

--

" AAAAHHH!!! IRENE AYAW KO NA! Nagmamakaawa na ang mga brain cells ko, huwag mo na daw silang torturin! Ikaw na lang kasing gumawa ng assignments ko. " ngawa ni Marj, na lagi na lang niyang dahilan sa tuwing magpapatulong siya na gawin ang assignment niya.

" Madali lang naman 'to, may calculator naman, pwede ka namang gumamit ng calculator. " pagpupumilit ko, paano siya matututo kung sa akin niya parating iaasa?

" Madali naman pala, edi kaya mo na! " napailing na lang ako, hay... kailan ba masasaniban ng kasipagan 'tong kaibigan 'kong 'to.?

" Oo nga pala Irene, may tanong ako? " pinasadahan ko siya ng tingin, kung maari ayaw na ayaw kong nagtatanong siya, iba kasi talaga ang takbo ng utak ng babaeng 'to.

" Ano 'yon? " ngumisi naman siya na parang pusa.

" Kasi diba, yung TGF, isa sa kanila ang Daddy just in case, sinong bias mo? " pinaningkitan ko siya ng mata.

" Bakit? "

" Anong bakit! Sumagot ka na lang, para naman alam ko kung sino ang i-eeliminate ko sa TGF, ayaw ko namang mag-away tayo ng dahil lang sa isang lalaki. "

Mommy, Baby and Daddies? [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now