MBAD ( 73 ) : Back to Zero

14.2K 319 71
                                    

MBAD ( 73 ) : Back to Zero

Irene POV

" Excuse ma'am. We're already here. " I suddenly woke up having this feeling of a little dizzy. Medyo nawala ako sa ulira't. Hindi agad nag sink in sa utak ko ang sinabi ng babae na nasa harapan ko ngayon. She's wearing a beautiful cup and a mini skirt. In short she's a beautiful flight attendant.

" If you need some assistance I'll will help you. It seems like you had a long day before your flight. " she said smiling. Nginitian ko din siya pabalik. I shrug. I should have said yes, medyo hilo pa din ako but I can handle myself. I can already smell the Spain.

Hindi na ako nagtagal pa. Ako na lang pala ang natitirang pasahero sa loob ng eroplano. Nangiti na lang ako sa loob loob ko. It was a very fast flight o sadyang tulog ako buong flight kaya hindi ko namalayan. My Mom knows everything. And yes, she also know that I'm pregnant, and another yes, susunod siya sa spain.

Marj already fix her paper. I need my Mom the most, kaya nung binigay na sa akin ni Marj ang passport ko, pinakiusapan ko agad si Mama na sumunod sa akin. Hindi niya ako kinulit at hindi siya nagtanong ng madami, I guess, she's trying to understand me at ayaw niya akong ma stress. I want this baby. Gusto ko siyang mabuhay without stressing myself. At alam kong ang pagpunta ko dito sa Spain ang pinaka magandang sagot.

Another . Dri doesn't know anything. I'm here to surprise him. Siya lang ang alam kong mapupuntahan ko dito. Alam ko namang hindi niya ako papabayaan.

I hop in, in a private car. It's like a rented car. The driver knows already where to pick and send me. Lahat inayos ni Marj para sa akin. She can make the impossible possible. Mayaman sina Marj, pero hindi masyadong pahalata. That's one of the thing i like about her, she's not boastful of what she have.

Habang nasa biyahe. I can't stop myself from thinking about the future. I badly want the baby to be healthy. That's all I pray. And I know Cali will be happy for me.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulala sa labas ng kotse. I was just staring blank outside. Hanggang sa huminto na lang ang kotse. Pagtingin ko sa labas. Nasa harap na ako ng bahay ni Dri. May bahay na dito si Dri sa Spain, he bought this last year. Kamusta na kaya siya?

Tinulungan ako ng driver na ibaba ang gamit ko. Inayos ko ang sarili ko. It's late night already here in Spain. Madalian ang flight ko kaya hindi ako nakapaghanda ng mabuti, mas maganda sana kung may araw pa akong makakarating dito. Mas active kasi ang mga tao dito late night. Kaya hindi ko alam kung nasa loob ba ng bahay si Dri. Kung wala siya, baka maghintay ako ng matagal sa labas. Pero hindi naman na ganun kalamig dito.

Last time I checked my phone. 2 degrees na lang ang spain.

I click the doorbell of the house. Once. Pero wala akong naririnig na foot steps sa loob. Nag try ulit ako. Pero wala pa din. Hanggang sa pipindot pa sana ako ng pangatlo. Pero biglang bumukas ang pinto.

I was actually ready for my speech to Dri when suddenly a girl opened the door. " I'm sorry, I guess I'm in a wrong house. " saad ko agad. The girl only wear a towel. Hindi ko alam kung magugulat ako or ano. But I know I'm in the right house. Hindi pwedeng magkamali ang driver na naghatid sa akin.

" Who's that? " dinig kong tanong ng lalaki sa loob. Yes. It's a guy voice. But I can't figure out who owns it.

" An Asian. " sagot ng babae. I dont like what she replied. Parang sarcastic na may halong discrimination sa pagsabi niya ng Asian. And so what If I'm an Asian. Excuse me naman, mas maganda naman ako sa kanya. And for her information, mas mabango ako sa kanya!

Mommy, Baby and Daddies? [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now