MBAD ( 16 ) : New Found Friend?

33.6K 626 24
                                    

MBAD ( 16 ) : New Found Friend?

Irene POV

Lumabas ako sa abandonadong classroom pagkatapos kong umiyak. I gather all my strength to stand,wala ng tao sa labas lahat sila nasa kani kanilang classroom na. Pumasok na din ako sa classroom pinasadahan ko pa ng tingin ang apat na lalaking nasa likoran, lahat sila nakatingin sa akin na parang isa ako sa mga taong kinamumuhian nila.

Umiwas din agad ako ng tingin at dumiretso na sa upuan ko. Kahit na nakaupo na ako ay ramdam na ramdam ko pa din ang init ng mga matang nakatingin sa akin, nawala lang ang kabang nararamdaman ko ng dumating ang adviser namin.

Wala akong naiintindihan sa discussion, lumilipad ang isip ko, kanina ko pa iniisip kung ano ba talagang nangyari? Kung ano ba ang dahilan bakit galit si Mason sa akin? Kung bakit lahat na lang ng estudyante ay parang kinamumuhian ako? Anong ginawa ko?

Nagpalabas na ang teacher namin at isa isa ding umalis ang mga classmates ko, dali dali din akong lumabas, ayaw ko na dito sa room, pakiramdam ko habang tumatagal ako ay mas lalong tumitindi ang tensyon sa loob.

Paglabas ko ay hindi ko inaasahang mas magiging mahirap ang sitwasyon ko. Hindi pa man ako nakakalayo sa classroom ay bigla na akong pinalibutan ng mga ibang estudyante.

" You slut! Ang landi mo, no wonder kung bakit nalandi mo ang TGF. " kasabay nun ay ang pagbato ng isang itlog sa akin. Tumama ito sa balikat ko. Wala akong nagawa kung hindi ang tignan ang bumato sa akin.

Hanggang sa naging sunud sunod na ang pagbato sa akin ng kung ano anu, kung anu ano na din ang mga salitang binabato nila. Ginamit ko ang kamay ko panangga sa tiyan ko. Masaktan na ako, huwag lang ang baby.

I'll make sure na hindi ka masasaktan si baby.

Dumaan ang TGF at huminto sa harapan ko, saka lang din huminto ang mga nambabato sa akin. Lalapit pa sana si Gion sa akin pero hinarang ni Mason ang kamay niya.

" Don't you dare Gion. " galit niyang sabi kay Gion. Wala namang nagawa si Gion kung hindi ang umatras. Napailing pa ito at nauna ng lumakad sa tatlo, tinignan din ako ni Rui at napailing siya. Si Carl parang hindi niya ako nakita at walang paki elam sa akin.

Umalis na silang apat. Hindi ko maramdaman ang sakit ng pagbato sa akin ng mga classmates ko, mas nasaktan ako sa pagbaliwala ng TGF sa akin. Isa na lang akong estranghero sa kanila. Hindi na nila ako kilala. Ganun ba kalala ang kasalanan ko sa kanila? Gusto kong malaman kung ano ang dahilan ng lahat ng ito.

Nagpatuloy ang pambu-bully sa akin, wala akong mahingan ng tulong, wala si Marj, hindi ko makita ang pinsan ko. At mas lalong wala ako sa isang teleserye, walang Jihoo na tutulong sa akin, walang Gu Jun Pyo na ipagtatanggol ako. At mas lalong hindi ako kasing lakas ni Jandi para labanan ang mga classmate ko.

I feel so helpless, magsasawa din sila, pagsasawaan din nila ako at tuluyan nila akong titigilan.

Drigory's POV

" Is this what you want? " tanong ko kay Norica. Hindi ko alam kung bakit nakinig ako sa kanya. Mabait si Irene, nakilala ko siya because of Norica, pinsan niya si Irene at madalas ko siyang makita sa gym na nagdadala ng tubig sa tuwing may practice si Norica.

" Look at her hindi ka ba naaawa sa kanya? " nasa malayong lugar kami pero kitang kita namin kung paano i-bully si Irene.

" Don't tell me naaawa ka sa kanya? Remember she slapped me. " depensa niya, pinipilit ko ang sarili kong paniwalaan siyang sinampal talaga siya ni Irene, but its hard to believe! Wala sa itsura ni Irene na mananampal ng tao, at sa lahat ng tao pinsan niya pa.

Mommy, Baby and Daddies? [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now