MBAD ( 65 ) : Christmas. New Year. Surprise ( Part 2 )

16.6K 363 158
                                    

MBAD ( 65 ) :  Christmas. New Year. Surprise ( Part 2 )

Tricia's POV

Tulala akong pumara ng cab at nagpahatid agad sa hotel na tinutuluyan namin.

Unti unti bumagsak ang mga luha ko. What did I do? Bakit? Who's the father of this child? Anong sasabihin ko sa mga magulang ko.

I am so careless. Paano nangyari sa akin ang bagay na 'to. Rui. It's Rui's fault. Kung hindi niya ako nilasing that time, this won't happen. No. Ayaw ko. Ayaw kong malaman niya na nabuntis ako.

Pagdating ko sa hotel umakyat agad ako sa room namin, using the elevator. Wala na sila Mommy. Sabay sabay kaming umalis kanina. But we parted away. Pagpasok ko sa room umupo agad ako sa sala at tinitigan ang preg kit. Pinilit ko pang i-clear ang mga mata ko. Baka naman namamalikmata lang ako. But it's so clear. Two red lines talaga.

Napaiyak ako lalo. Nagulat ako ng biglang may humawak sa balikat ko. " Sweety what's wrong? " kinabahan ako sa boses na narinig ko. Thats moms. Pinunasan ko ang luha ko. But I'm too late.

" Anong nangyari bakit ka umiiyak? " tanong ng Dad ko. I thought they left already.

Tinago ko ang preg kit pero huli na. My Mom saw it. " What's That? " tanong niya.

" It's nothing Mom. It's nothing. " I tried to hide it but she was too quick at naagaw niya ito.

Nagulat siya ng makita ito. I can see the horrify to my Dad eyes too. " Who is the father? " mahinahon na tanong ni Daddy but I know deep inside he's mad.

Natahimik ako.

" Sinong ama Tricia?? " galit na tanong ni Mommy.

Napayuko ako.

" Si Mason. " pabulong kong sagot. I'm sorry Mason. I'm sorry.

" Pack your things. Kailangan nating umuwi. I need to talk to that Mason. " seryosong utos ni Daddy. Pinigilan ko siya.

" No Dad. No please. He doesn't know. He was drunk that night. It's my fault. Kasalan ko. I was on my normal state of mind but I let him used me. Dad I will talk to him. Please. Please calm down. " napa buntong hininga siya.

" He needs to fix this trouble. Or else baka mapatay ko siya. " banta niya sabay alis sa harapan ko.

Nilapitan ako ni Mommy. " Palalakihin mo ang batang yan. At hindi ako papayag na lalaki siyang walang ama. Fix this Tricia. Both of you should fix this. " Mom said and left me too.

Sa taranta ko. Hinanap ko agad ang cellphone ko. I dial Mason's number. Agad niya itong sinagot. " Who's This? " bungad niya agad. Hindi agad ako nakapagsalita.

" Ma-mason it's me. Tricia. Pleaseee listen first. I need to talk to you. We need to talk. " pakiusap ko. Kilala ko siya alam kong papatayin niya agad ang cellphone niya once na marinig niya ako.

" Wala na tayong dapat pang pag-usapan. Bye. " pinatay niya agad ang phone. Napaupo na lang ulit ako. Kailangan kong umuwi as soon as possible.

And I'm sorry Mason. Kung ito lang ang paraan para mabalik ka sa akin. I know that you will learn again how to love me.

Gion's POV

Kasama ko sina Rui at Carl ngayon hindi kami kompleto dahil wala si Mason. Mukhang may sarili na namang lakad. Si Rui himala dahil naging tahimik nitong mga nakaraang araw, eto namang si Carlson laging nakatutok sa cellphone na parang laging may hinihintay na katext. At siyempre ako. Na bored na bored na sa buhay.

Mommy, Baby and Daddies? [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon