MBAD ( 48 ) : Friend or Enemy

23.6K 521 127
                                    

MBAD ( 48 ) : Friend or Enemy?

Marj POV

Kasama ko si Irene ngayon, wala lang, bestfriend bond lang, tagal ko na din kasi siyang hindi na sosolo, masyadong naging emosyonal ang mga nakaraang araw ko. Kainis kasi kung bakit ang dali dali kong mauto, siguro ganun talaga pag first love. Akala mo masaya na, akala mo lang pala.

At ilang araw ko na ding hindi nakikita si Carl. Para saan pa? Ni hindi man lang nag effort na suyuin ako? May gawwwd! Stop na, ayaw ko na mag-isip. Marami pang iba diyan, yun nga lang hindi ko gusto. Aaaaah! Kainisss, nakakabaliw pala ang love, kaya kung ako sa inyo wag na kayong mainlove, para pareparehas tayong walang lovelife. Hehehehe..

" Marj yuhooooo! Teka anong ginagawa ni Carl dito? " bigla akong natauhan nang marinig ang pangalan ni Carl. Tumingin agad ako sa paligid pero wala namang Carl akong na se-sense.

" Obviously, gusto mo pa din siya. " napataas ang kilay ko sa sinabi ni Irene.

" No way! And don't joke about Carl, you know how much I hate him. " sagot ko at nag cross ng kamay, pero napaisip ako. Hate ko nga ba? Galit nga ba ako sa kanya? Hindi ko alam, siguro nga gusto ko siyang makita, para malaman ko kung ano na ba talaga siya sa akin.

" Akala ko ba wala na, naluluha ka na naman. " pansin na naman ni buntis. Isssh! Bwisit akala ko tapos na. Sabi na kasi, akala ko lang ang lahat.

" Gusto mo bang lumipat tayo? " aya niya, nasa starbucks kasi kami, mabenta kasi kay Irene ngayon ang strawberry frappe, naka dalawang venti na siya. Sinipsip ata lahat ni baby Cali ang strawberry.

" Dito na lang muna, at okey lang ako, ikaw na lang mag kwento kamusta si Tricia? Witchy bitchy pa din ba? " pag-iiba ko, sa tuwing na o-open ang nangyari sa amin ni Carl mas lalo lang akong nag se-self pity. Mabuti pang kay buntis na lang lahat ng topic.

" 2 days na siyang hindi nagpaparamdam. " mahinang sagot ni bestie. Medyo na wierduhan lang ako sa sagot niya, mukha kasing nalungkot pa siya. Eh the best nga 'yon, better walang Tricia walang problema.


" Bakit ang lungkot mo? "

" Hindi naman. Naaawa lang kasi ako sa kanya. " napaikot ako ng mata.

" Well... speaking of the devil. " marami pa sana akong sasabihin ang kaso biglang may pumasok ng starbucks at ang nakakatuwa, si Tricia at Carl ang magkasama. Ano 'to?

Nakita kami ni Tricia kaya naman lumapit siya sa amin, at halos hindi ko na alam kung paano ko papalubugin ang sarili ko sa upuan ko dahil hila hila ni Tricia ang kamay ni Carl. At bakit sila magkasama? Sabagay mag kaibigan sila.

" Hi! Hi Irene, buti naman nakita kita dito. Ang boring kasama ni Carl, hindi marunong magsalita. Pwede bang maki join sa inyo? " bati ni Tricia sa amin.

" Alis na ako. " walang ganang paalam ni Carl, hindi ko siya tinitignan ayaw ko siyang tignan pero ramdam na ramdam ko ang mga titig niya sa akin. Bakit ganun? Nag a-assume lang ba ako? O talagang nakatitig siya sa akin?

" Cr lang ako. " paalam ko kay Irene. Di ko kaya, naiirita ako, hindi ako mapakali, hindi ako komportable na malapit lang si Carl.

Mabilis akong naglakad at iniwasan si Carl.

" I gotta go, I'll leave everything to you Irene. " dinig kong sambit ni Carl.

Nagtutuluy tuloy ako hanggang sa comfort room. Hanggang sa maramdaman ko na lang na may humawak sa wrist ko. Halos huminto ang oras ko sa hawak niya, I know those kind of touch. Napaikit ako at pinakiramdaman ang hawak niya, no, tama na, pinilit kong huwag umiyak. Hindi dito.

Mommy, Baby and Daddies? [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon