MBAD ( 27 ) : I Got Her Pregnant..

38.8K 645 86
                                    

MBAD ( 27 ) : I got her pregnant...

( a/n : No coffee, sabaw update. )

Rui's POV

Kasama ko si Gion ngayon, umalis na lang kasi bigla sina Mason at Irene pagkatapos nilang nagyakapan, gusto kong mabaduyan kanina kay Mason, pero hindi ko magawa. Parang bigla na lang kasing nag flash lahat ng memory ko kay Tricia.

Ganun na ganun ang pangyayari nung nagmamakaawa ako kay Tricia. I was hugging her back that time and begging for her love.

Masakit pa din hanggang ngayon, wala akong ibang sineryosong babae noon kung hindi si Tricia, it was hard for me to show my love to her in public dahil na din kay Mason. Lagi na lang nandun si Mason, lagi na lang siyang lalabas sa tuwing lalapitan ko si Tricia. Lagi na lang niya akong nauunahan.

Kahit alam kong mas pipiliin ni Tricia si Mason ay hindi pa din ako huminto, I tried to be tough, kungyaring binibiro biro ko si Tricia pag kasama namin siya but deep inside I am dying, makikita ko pa lang na mas masaya siya kay Mason para na akong unti unting pinapatay sa sakit.

" Dude, tahimik mo? " nawala ako sa pagmumuni muni ng biglang magsalita si Gion, oo nga pala kasama ko pala siya.

" San ba tayo pupunta? " saad niya pa.

" Pupunta akong starbucks, pero ikaw bababa kana dito. " tipid kong sagot, at agad na itinabi ang sasakyan ko sa gilid.

" Teka, wag ka namang rude. Mag starbucks na lang din ako, gusto kong mag frapp. " napatingin ako sa kanya, frapp? Kailan pa siya natutong uminom ng frapp?

" May pupuntahan ako dun, huwag mo akong i-istorbohin. " saad ko.

" Sino? "

" Si Gia. "


Irene POV

" Teka Mason san ba tayo pupunta? " hinatak na lang kasi niya ako bigla paalis sa school at nasa kotse niya kami ngayon.

Wala akong ka edi-ediya kung saan niya ako dadalhin. Buong biyahe ay tahimik lang siya, ang labo talaga niya, ang bilis niyang magpalit ng aura. Pagkatapos maging sweet ay magiging seryoso.

Huminto kami sa isang bahay na napakaganda, hindi siya ganun kalaki na sobrang oa sa laki pero malaki siya, just enough na matatawag mong mayaman ang may ari nito.

" Bumaba kana. " saad ni Mason sa tonong pautos.

" Kaninong bahay 'to? " tanong ko habang tinatanggal ang seatbelt, at imbes na sagutin ako ni Mason ay lumabas lang siya. Ang rude. Sweet lang siya pag nagseselos. -_-

Bumaba ako sa sasakyan, nakatayo lang ako at pinagmamasdan ang bahay, ang ganda nito sa labas, I bet maganda din ito sa loob.

" Let's go? " ani Mason at inabot ang kamay niya sa akin.

Bahagyang nanlaki ang mata ko sa gulat. " Hm? " taka kong tanong.

Kumunot naman ang noo niya. " Huwag kang tanga, hawakan mo na ang kamay ko, I know you're dying to hold it. " napaka hangin niyang sambit.

" Ikaw nga kung makayap sarap na sarap. Psh. " bulong ko sa sarili.

" May sinasabi kaba? "

" Ah... hahawakan ko na kamay mo sabi ko. " umiwas naman siya ng tingin at napansin kong parang ngumisi siya, sabay pasok niya ng isang niya kamay sa pocket niya.

Napalunok ako. We never do this, oo hinahawakan niya ako pero sa wrist lang.

Dahan dahan kong hinawakan ang kamay niya. Napakalambot nito, halatang hindi nag tatrabaho, ang sarap sa pakiramdam ng kamay niya, hindi ko maintindihan ang sarili ko pero parang ayaw ko ng bitawan pa ito.

Mommy, Baby and Daddies? [ COMPLETED ]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें