MBAD ( 1 ) : Eavesdropping

55.3K 850 35
                                    

MBAD : ( 1 ) Eavesdropping

' SKYLIGHT ACADEMY '

Iyan agad ang bubungad sa'yo pagpasok mo sa school. Ang napakalaking pangalan ng Skylight Academy. Nakatitig lang ako dito at hindi makapaniwala na sa school na ito ako nag-aaral.

Kung bakit? Simple lang, puro magaganda't gwapo ang mga estudyante dito at kung hahanapin mo ang naiba, madali lang itong mahanap dahil ako yun. Malayo sa mga mala diyosang mga tao dito ang itsura ko, wala pa nga ata sa talampakan nila ang itsura ko.

Nakapusod na buhok, malalabong mata, sandamakmak na librong hawak at uniform na hindi naman bagay sa akin. Sabi ni Norica maganda daw ako dahil pinsan ko siya, pero pag tinitignan ko naman ang itsura ko sa salamin, nasusuya ako, walang wala talagang laban sa itsura ni Norica.

" Irene! " napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko, papalapit si Norica sa akin ngayon.

" Pagawa naman 'to oh... please, may practice kasi kami sa cheering squad, I'll be very busy and such, you know naman how hirap our practice is. " nag-twinkle twinkle pa ang mga mata ni Norica habang inaabot ang sandamakmak na workbooks ng buong cheering squad.

" Ah... sige sige, tatapusin ko to after class.. " niyakap naman niya ako bigla.

" Thanks couz'! You're the best! " naglakad na sila ng mga kaibigan niya at iniwan sa akin ang mga workbooks.

Nakakatuwa lang kasi ang gaganda nila, para silang nag paparada sa loob ng campus kahit wala namang parade.

Tahimik ang buhay ko dito sa Skylight, walang nang aapi sa akin, siguro dahil na din sa pinsan ko ang isang sikat na cheer leader na si Norica. At isa pa, sino naman ang mag-aaksaya ng panahon na pansinin ako? Isa lang akong napaka ordinaryong tao.

" IREEEEEENNNNNNNNEEEEE! " sa tinig niyang 'yon ay kilalang kilala ko na kung sino siya. Winagayway niya ang kamay niya habang tumatakbong lumalapit sa akin.

" Ano na naman ba yang hawak mo! Huwag mong sabihin galing na naman yan sa magaling mong pinsan! Naku! Titirisan ko na talaga yang Norica na yan! " saad niya ng mapansin ang sandamakmak na workbooks na hawak ko. Alam na alam niya talagang galing kay Norica ang mga ito.

" Ano ka ba Marjoneth okey lang 'to, tsaka hobby ko na ang pagsagot sa mga workbooks. " sagot ko sa kanya ng ngingiti ngiti.

Kung si Norica ang pinsan kong matalik na kaibigan. Si Marjoneth naman ang bestfriend kong parang kapatid ko na.

" Ui maiba tayo! Ano yung nabalitaan kong close mo daw ang The Great Foursome! Kyaaaaaah! OMG GIRL! Alam mo bang balitang balita na close mo daw sila. Girl pakilala mo naman ako sa kanila, ang hirap kayang maging fangirl. THEY'RE SO NEAR YET SO FAR ang peg ko everyday! "

Bigla ko namang naalala ang nangyari sa akin noong nakaraang linggo. Umiling iling ako. Kinalumutan ko na ang bagay na iyon. Pambihira namang Marjoneth 'to! Pinaalala pa.

" Tara na! Magta-time na. " pag-iiba ko, pag nagsimula kasing mag talk 'tong si Marjoneth sa TGF ( The Great Foursome ) kulang ang isang araw matapos lang lahat ng pag fafangirl niya.

" Basta ha! Ipakilala mo ako sa kanila, ang swerte swerte mo! Kung bakit kasi hindi ako binayayaan ang magandang utak! Edi sana classmate ko din sila. Pero okey na din atleast maganda ako! Di tulad ng pinsan mo, mas maganda ka pa nga dun! Kapal ng make-up! Kulang na lang ng carnival at pwede na siyang mga clown clown dun! " walang hinto niyang sabi.

Kahit kailan talaga hindi siya nauubusan ng sasabihin.

" Oo na. Oo na, kita na lang tayo mamaya. " paalam ko. Hindi kasi kami mag kaklase, nasa section A ako siya sa second to the last section.

Mommy, Baby and Daddies? [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon