MBAD ( 50 ) : Decision.

23.6K 620 148
                                    

MBAD ( 50 ) : Decision.

Irene POV

Isang araw na ang lumipas, inuwi ako ni Mama sa bahay namin, ni hindi ko man lang nakita si Mason, walang Mason sa isang araw na lumipas. Ganun siguro talaga. Wala na si Cali, ano pa ba ang aasahan ko. Hindi naman ako ang habol niya. Simula pa lang, lahat ng ito ay ginagawa niya para kay Cali.

Hindi ko mapigilang hindi maluha. I am physically and emotionally broken, hindi ko alam kung kakayanin ko pang mabuhay. Mas masakit pa ngayon ang nararamdaman ko. Sobra sobra.

Kumatok si Mama sa kwarto ko at binuksan niya ang pinto, agad kong pinunasan ang mga luha ko, pero wala ding saysay dahil maga ang mga mata ko kakaiyak at hindi ko maitatago sa kanya na nasasaktan ako at nahihirapan.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. " Anak alam kong mahirap pero hindi maganda na magkukulong ka na lang dito sa kwarto mo. " pilit akong pinapatahan ni Mama.

" Hindi ko na alam pa kung ano ang gagawin ko Mama. " wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang maglaho na lang din na parang isang bula, sana ako na lang ang nawala, sana hindi na din ako nabuhay para hindi ko nararamdam ang sakit na 'to.

" Gusto mo bang tumawag sa pulis? " tanong niya. Hinarap ko siya. Umiling iling ako.

" Pag ba ginawa ko 'yon. Maibabalik si Cali? Walang mangyayari kung maghihiganti ako, hayaan ko na lang na mismong konsensya ang mangibabaw sa kanya. Akala ko mabait siya, nagkamali ako. " naiinis ako sa sarili ko, masyado akong naging mabait, masyado akong nagpauto sa kasinunghalingan niya.

" Sige na magpahinga kana, bumaba ka mamaya at kumain, kailangan kong magtrabaho. " saad niya bago umalis sa kwarto ko.

--

Hindi ko na namalayan na nakatulog ako. Alas kwatro na ng hapon, napag isip isipan kong tumayo at kumain. Ano ng gagawin ko ngayon? Kung ganito ako kahina paano ako lalaban? Paano ako mabubuhay sa mga susunod na araw.

Bigla akong natauhan ng may nag doorbell sa labas. Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi mag do-doorbell si Mama dahil may susi siya ng bahay. Dahan dahan akong lumapit sa may pinto, huminga ako ng malalim, hindi na ako nag abala pang ayusin ang itsura ko.

Pagbukas ko ng pinto, isang lalaki agad ang bumungad sa akin.

" I'm sorry about Cali. " bungad niya ng magtagpo ang mga mata namin. Hindi ko alam pero lumapit ako sa kanya at niyakap siya, hindi ko na din napigilan pa ang mga luha ko, boluntaryo silang bumagsak.

" Drigory hindi ko na alam kung paano ako mabubuhay. " saad ko sa bawat paghikbi ko. Pero hindi siya nagsalita, tanging haplos niya sa buhok ko ang nararamdaman ko at tahan ang naririnig ko.

Kailangan ko nito. Kailangan ko ng may dadamay sa akin.

Nang mahimasmasan ako ay pinapasok ko si Dri. Pinaupo ko siya sa sofa.

" Sorry kung ilang araw akong hindi nagparamdam. "

" Hindi mo kailangang mag sorry, at hindi ka obligadong magparamdam sa akin. Naiintindihan ko kung busy ka. " napangiti siya pero halata sa ngiti niya na nalulungkot siya para sa akin.

" Aalis na ako sa makalawa. " parang bigla akong nanlumo ng husto. Iiwan niya din ako, katulad ng pag abanduna sa akin ni Mason.

Nagtungo ako sa kusina at tinago ang maluha luha kong mga mata. " Talaga? Masaya ako para sa'yo. " I lied. Wag ka munang umalis Dri, wag muna ngayon. Kailangan ko ng kaibigan.

Mommy, Baby and Daddies? [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now