MBAD ( 67 ) : Let's celebrate New Year Part 2

12.3K 324 90
                                    

MBAD ( 67 ) : Let's celebrate New Year Part 2

Irene POV

Im alone in my unit. Nakahiga lang ako sa sofa. I even forgot to eat lunch and dinner. Wala akong gana.

My mom called me awhile ago asking why havent show myself to her. I said i was busy. Hindi ko alam kung ilang beses akong nagsinunghaling sa kanya. Tumulo na naman ang luha ko. Bigla bigla na lang tumutulo ang luha ko.

Pinilit kong tumayo sa sofa. It's Dec. 31. At mamaya na ang New Year. I should celebrate it instead of hiding in my unit but I have no strength. Hindi ko din alam kung ilang beses akong nagpupunas ng luha.

Kumuha ako ng tubig sa kusina. Uminom ako ng isang basong tubig. Nagulat na lang ako ng biglang tumunog ang phone ko.

Parang bigla akong nagkaroon ng saya. Hoping it's Mason. Hoping that he will explain now. But when I saw Gion's name pop in my phone. Parang biglang nawala ang panandalian kong saya.

Sinagot ko ito.

" Mason speaking. Let's talk later, wait for Gion. He will drive you later. " nagulat ako sa boses niya. Bigla akong nakaramdam ng saya at excitement. He wants us to celebrate New Year together. Maybe everything was an act. Maybe this time he will surely surprise me.

I hope so.

Sana nga.

Agad naman akong tumakbo sa kwarto ko at naghanap ng pwede kong suutin. Kinakabahan ako na natutuwa. Kung meron mang sakit na multiple emotions disorder ako ang unang pwedeng ma diagnose ng sakit na 'yon.

Ilang oras akong iyak ng iyak, ngayon hindi ko na alam kung gaano ako kasaya. Masyado ko lang sigurong mahal si Mason. Na kahit na nasasaktan ako. I still going to forgive him.

Isang simpleng puting dress na above the knee ang nakita ko. It has v neck shape on the back. Not really that sexy.

Dumiretso din ako sa kitchen at gumawa ng sandwich. Ayaw kong magmukhang hindi kumain ng agahan tanghalian at hapunan sa harap ni Mason.

7pm na. I still have time to fix myself.

Gion POV

" Bakit ako? Mason naman.... " kanina ko pa kinukulit si Mason. Nasa bahay nila ako ngayon, kulang na lang ako na ang maging girlfriend ng lalaking 'to. Pambihiraaaaa. Tsaka ako na lang lagi niyang hinihingan ng pabor. Aba may buhay din ako.

" Just one last favor. Dalhin mo siya sa resto villa, at 11pm. " utos niya.

" Tapos? Anong gagawin mo? Makikipag break kay Irene? Wow. Parang konsensya ko pa niyan pag nakitang umiyak ng umiyak si Irene. " napa buntong hininga siya at napayuko.

" I'm just going to make things right. That's all. " bulong niya pero dinig ko. Hindi ko alam kung anong binabalak niya. Kung makikipag break ba siya o sila pa din hanggang huli. Ayaw ko naman siyang tanungin.

" Last na talaga 'to Mason. Hindi ko na kayo pakikielaman pa. Promiseee. Bahala kana kay Irene. Malaki kana. Alam mo naman ang tama sa mali. Payo lang. Minsan hindi mo kailangang sundin ang utak. Para mabuhay ka ng komportable kailangan mong maging masaya. Kung ano ang sinisigaw ng puso mo, sundin mo. Ako ng nagmamakaawa. Pasayahin mo naman ang sarili mo Mason. " saad ko at iniwan ko na siyang mag-isa. Nakakasawa na kasi. Tapos ano na namang mangyayari? Siya din ang kawawa sa huli.

Pati tuloy lovelife ko di ko magawan ng paraan dahil sa Mason at Irene na 'to.

Bigla namang nagsalita si Mason. " Hindi ko kailangang maging masaya. Ang kailangan ko lang gawin itama ang lahat ng pagkakamali ko. " tinignan ko siya. Napailing na lang ako.

Mommy, Baby and Daddies? [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now